Estudyante, kinikilan ng nobyong nakilala lamang sa facebook

Estudyante, kinikilan ng nobyong nakilala lamang sa facebook

-Humingi ng sampung libong piso ang boyfriend ng isang estudyanteng babae, na nakilala lamang niya sa facebook

-Dahil sa umano’y malaswang video at mga hubad na larawan ng dalaga, nagawang kikilan ng lalaki ang biktima ng halagang sampung libong piso

-Timbog naman sa police entrapment ang suspect dahil na rin sa paghingi ng tulong ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang isang lalaki na nagngangalang Ralf John Velasquez, kaugnay ng pangingikil nito sa kasintahan.

Kwento ng dalaga, wala daw siyang kamalay-malay at lasing ng mga panahong ginagawa sa kanya ng nobyo ang kahalayan. Pinagbantaan diumano siya nito na ipapakalat ang larawan niya online kapag hindi siya nakapagbigay ng pera dito.

Kaya naman, humingi siya ng tulong sa mga otoridad upang mahuli ang nobyo. Sa isinagawang police entrapment sa Meycauyan, Bulacan, nakipagkasundo ang biktima na makipagkita sa suspect sa parking lot ng isang fast food chain. Habang ang mga pulis naman na aaresto sa lalaki ay nagkunwaring o-order drive-thru.

Noong una ay hindi pa tinanggap ng lalaki ang mark money at sa halip ay niyapos muna ang dalaga. Ngunit ilang sandali lamang ay dahan-dahang kinuha din nito ang pera at nilagay sa bulsa. Dito na umaksyon ang mga otoridad upang hulihin ang suspect.

Sa loob ng presinto, hindi napigilan ng nagrereklamong dalaga ang kanyang emosyon, hindi daw niya sukat akalain na magagawa ito sa kaniya ng lalaking minahal niya. Hindi naman itinanggi ito ng suspect. Sinampahan na ng kaso ang suspect kaugnay nito.

Nagbabala naman ang polisya na mag-ingat sa panganib na maaaring makuha dahil sa internet.

Sa iba pang balita ng KAMI, viral ngayon ang isang babaeng piscal na nakipagtalo sa MMDA, nagpahayag na ng public apology.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel