Engaged na siya?! Valerie Concepcion, ibinida ang kanyang singsing

Engaged na siya?! Valerie Concepcion, ibinida ang kanyang singsing

- Ipinakita ng aktres na si Valerie Concepcion ang isang diamond ring sa kanyang Instagram

- Binati siya ng kanyang mga tagasuporta at kaibigan sa showbiz sa kanyang Instagram post

- Ang kanyang boyfriend ay isang Guam-based court clerk

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagpaabot ng pagbati kay Valerie Concepcion matapos niyang ibahagi ang litrato ng kanyang kamay suot-suot ang singsing habang kitang-kita sa background ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Napag-alaman ng KAMI mula sa isang ulat ng isang online news portal na Philippine News na ang kanyang bofriend ay si Francis Sunga, isang Guam-based court clerk.

Napabalita ang paghihiwalay ni Valerie sa nauna niyang karelasyon noong 2015. May anak siya sa pagkadalaga na ngayon ay dalagita na rin, si Heather Fiona.

May ilan na rin siyang nakarelasyon bago nakilala si Francis.

Nagkakilala umano sila sa pamamagitan ng isang kaibigan ni Valerie na kamag-anak ni Francis.

Kagaya ni Valerie, may isang anak din si Francis na malapit na rin sa aktres.

Magkakasama silang apat sa kanilang mga bakasyon.

Si Valerie ay nakilala bilang isa sa mga host ng programa ni Willie Revillame. Sumikat siya lalo nang magkaroon siya ng mga pelikula at naging bahagi ng mga teleserye.

Sa kasalukuyan, isa siya sa mga pinakasikat na Kapuso artists.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel