Winwyn Marquez, umalma sa isyung bad influence siya sa boyfriend na si Mark Herras

Winwyn Marquez, umalma sa isyung bad influence siya sa boyfriend na si Mark Herras

-Mariing itinanggi ng beauty queen na si Winwyn Marquez na siya ay bad influence para sa boyfriend na si Mark Herras

-Binalikan ng aktres at beauty queen ang mga taong naninira sa kanila ng nobyo, ayon sa kanya, baka ang mga ito mismo ang bad influence at hindi siya

-Itinanggi na rin ng dalaga ang issue tungkol sa diumano’y pagpigil niya sa aktor na makipagkita sa sarili nitong anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma ang beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez, sa isyung siya raw ay bad influence sa nobyong si Mark Herras. Ayon pa sa dalaga, marami ang nakakapansin na mas maayos ang buhay ni Mark ngayon kumpara noong magkaibigan pa lamang sila.

“Siguro, kung bad influence ako, e, di hindi ganyan ang life niya ngayon.” Sagot ni Winwyn.

“Maybe they’re insecure with their life or they’re insecure because we’re really happy. And you know, we’re together. Kung napapansin niyo, hindi rin ako masyadong nagpo-post sa Instagram kasi we’re trying to lie-low ng konti.” Dagdag pa nito.

Ayon pa kay Winwyn, mas nagging seryoso na sa buhay si Mark ngayon at hindi na ito iyong dating happy-go-lucky na tao, tulad noon. Kaya hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga issue tungkol sa pagiging masamang impluwensiya niya dito. Dagdag pa niya, ang mga taong nagkakalat ng mga ganito laban sa kanya ay baka ang mga taong iniiwasan ng kanyang boyfriend.

Sinabi pa ng reigning Reina Hispanoamericana, nakikita at nararamdaman naman daw niya na seryoso sa kanya ang nobyo, ngunit wala pa silang planong magpakasal ng aktor.

Sa issue naman na pinipigilan daw niya si Mark na makipag-kita sa anak nito, sinabi ni Winwyn na hindi siya nakikialam sa parteng iyon ng buhay ng nobyo. Ayon pa sa kanya, si Mark na lamang ang tanungin ungkol dito.

Parehong Kapuso star sila Mark Herras, 31, at Winwyn Marquez, 26, sa kasalukuyan. Parehong aktibo ang career ng dalawa. Kamakailan lamang ay natapos ay primetime series na kinabibilangan ni Mark samantalang si Winwyn naman ay abala sa bagong pelikulang pinagsasamahan nila ng kaniyang ama.

Nagkakilala ang dalawa sa show na “Party Pilipinas”, na um-ere sa GMA noong 2011 hanggang 2013.

Anak si Winwyn ng actor-politician na si Joey Marquez at actress-politician na si Alma Moreno. Samantalang si Mark Herras ay produkto naman ng isang reality TV show.

Sa iba pang balita ng KAMI, sinagot ni Winwyn Marquez ang isang netizen na nagsabing parang "Suffer Sireyna" lamang daw ang pageant na sinalihan niya. Hinamon niya ang basher na sumali sa sabi pa nito'y walang weight na beauty contest.

POPULAR: Read more news about Mark Herras here!

In this episode of the Philippines Social Experiment, Javen will harass his female friend in different public places. How will people react to a woman suffering harassment in front of them? Will someone try to stop Javen? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel