Kontrobersyal na buntis na piscal sa viral video, naglabas na ng public apology

Kontrobersyal na buntis na piscal sa viral video, naglabas na ng public apology

- Nag-viral ang video ng isang buntis na piscal na nakipag-argumento sa MMDA enforcer dahil sa pagdepensa di umano niya sa kanyang traffic violation

- Nagpahayag ang MMDA na si nila palalampasin ang ginawa ng mag-asawa lalo na at sila ay nagtatrabaho sa DOJ

- Ilang oras matapos ang pahayag ng MMDA tungkol sa pagsasampa ng kaso, naglabas na ng public apology ang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang sinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 10 milyon na views ang kontrbersyal na viral video na kinasasangkutan di umano ng isang piscal na tumangging i-tow ang kanyang sasakyan ng MMDA.

Nalaman ng KAMI na umabot sa mainit na diskusyon na humantong pa sa insulto sa bawat isa ang usapang tatagal lamang daw sana ng 1 hanggang 2 minuto kung nakiisa ang piscal at binigay nito agad ang lisensya niya.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ang MMDA na di nila palalampasin ang ginawa na ito ng mag-asawa na kitang kita naman daw sa video ang mga nilabag nitong batas.

Ilang oras matapos maipalabas ang pahayag na ito ng MMDA, lumabas na rin ang isang public apology video si Prosecutor Christine Estepa, ang di umano'y buntis na piscal na siyang ka-argumento ng MMDA.

“We would like to take this opportunity to apologize to the MMDA enforcers especially to Bong Nebrija,” ani Estepa..

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa facebook ng ABS-CBN news.

Kasama rin ni Estepa ang mister na kalaunan ay siyang nakadiskusyon din ng MMDA at tila tinakasan pa ang pakiusap ng isa sa enforcer na gumawa lamang sila ng report para sa motor na nadaplisan pa di umano ng piscal.

Nagpasalamat pa ang asawa ni Estepa sa MMDA na sa pagbibgay pa raw ng pagkakataon na sila ay sila ay humingi ng paumanhin sa nagawa nila sa mga ito kahapon, Agosto 14.

Maaring harapin ni Estepa ang kasong direct assault direct assault against MMDA enforcers, disbarment and imprisonment ayon sa pinoytrend.net.

Nauna nang nabalita ng KAMI na nadismaya ang mga netizens nang malaman nila ang pagkatao ng mag-asawa na produkto pa ng tinitingalang unibersidad sa bansa.

Kaya naman pinuri ng mga netizens ang MMDA dahil hindi nila pinalampas ang ginawa ng mag-asawa sa kabila ng simpleng pagmamalaki nila sa kanilang mga posisyon.

"Sana maging aral na po ito sa atin, simple traffic violation lang po wag na po tayong makipag away, bigay niyo lang po yung lisensya niyo bibigyan kayo ng ticket tapos na,” wika ng MMDA General Manager Jojo Garcia sa Press conference patungkol sa balak na pagsasampa ng kaso sa mag-asawa.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel