Darna in action! Angel Locsin, nagbuhat ng mga kahon nang mamigay ng tulong sa nasalanta ng baha

Darna in action! Angel Locsin, nagbuhat ng mga kahon nang mamigay ng tulong sa nasalanta ng baha

- Nabahala ang ibang tagasuporta ni Angel Locsin

- Ito ay matapos makita nila na nagbuhat ng kahon ang aktres

- Matatandaang nagkaroon ng problema sa spine ang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang sikat at artistang may magandang takbo ng career, marami ang nag-iisip na maarte at mahirap abutin ang isang kagaya ni Angel Locsin. Gayunpaman, maraming beses nang napatunayan ang lababaang loob at kabaitan ng aktres.

Malapit ang loob niya sa mga mahihirap lalo na sa mga nangangailangan. Personal niyang inabot ang kanyang tulong sa mga biktima ng baha sa Montalban, Rizal at Marikina.

Sa katunayan, sa isang video na ibinahagi online, nagbuhat din siya ng kahon na naglalaman ng mga pagkaing ipinamigay niya.

Nagpaalala naman ang ibang fans na dapat ay mag-ingat siya dahil sa naoperahan na siya dahil sa kanyang spine injury.

Sa isang video naman na ibinahagi sa Instagram ng kanyang mga tagasuporta, kitang-kita kung paano niya nilapitan ang isang mamang may sakit. Binigyan niya ito ng maiinom at pagkain habang nakahiga.

May mga netizens na nakapansin kung paano niya pinakitunguhan ang lalaki. Hindi siya nagpakita ng pandidiri at takot na baka mahawa siya.

Si Angel Locsin ay isa sa mga aktres na gumanap bilang Darna at talagang tumatak ito sa tao. Ilang beses nang napatunayan ang kanyang kabaitan at busilak na puso lalo na sa panahon ng sakuna. Lagi siyang handang tumulong kahit na siya ay mahirapan.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel