Contestant ng 'Wowowin', labis na nangungulila sa inang OFW na 8 taon na niyang di nakikita

Contestant ng 'Wowowin', labis na nangungulila sa inang OFW na 8 taon na niyang di nakikita

- Halos 1 dekada nang di nakikita ng contestant ng 'Wowowin' na si Rue ang kanyang ina

- Ayon kay Rue, 10-taong gulang lamang siya noong huli niyang nakita ang inang nasa Abu Dhabi

- Emosyonal na nagbigay si Rue ng mensahe sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naiwasang maging emosyonal ng contestant ng 'Wowowin' na si Rue nang tanungin siya ng host na si Willie Revillame tungkol sa kanyang ina.

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Rue na 10-taong gulang pa lamang siya noong huli niyang nakita ang kanyang ina.

Walong taon na ang nakalilipas nang kinailangan daw umalis ng kanyang ina patungong Abu Dhabi para magtrabaho.

Ulila na rin sa ama si Rue, at pumanaw ito noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang.

Nag-iisang anak si Rue at lumaki siya sa kanyang lolo at lola na tumayong mga magulang niya.

Katunayan, kasama pa niya sa 'Wowowin' ang kanyang lolo na suportado ang lahat ng gawain lalo na para sa ikabubuti ng apo.

Naging emosyonal si Rue nang nagbigay ito ng mensahe sa kanyang ina dahil miss na miss na niya ito. Pinangako rin niya na gagawin niya ang lahat para maging proud ang ina sa kanya. Titiyakin din daw ni Rue na matulungan ang ina para masukian ang lahat ng paghihirap nito sa kanila.

Pinangako rin ni Rue sa kanyang mommy Shela na lalakasan na lamang niya ang kanyang loob kahit pa mahirap daw talaga ang lumaki na malayo sa ina.

Sinabi rin ni Rue na mahal na mahal niya ang kanyang ina at miss na miss na niya talaga ito.

Samantala, hiningan din ng mensahe ang lolo ni Rue na siyang kasama niya noon sa programa. Bilang mensahe, sinabi ng lolo na sana raw ay bawasan ni Rue ang madalas na pag-uwi ng gabi dahil labis silang nag-aalala pag wala pa raw ito sa bahay.

Humingi naman ng paumanhin ang 18-taong gulang na dalaga at nagpasalamat sa lahat ng hirap ng kanyang lolo at lola pa ra sa kanya.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel