Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

- Bumisita ang mga bida ng Primetime Bida ng Kapamilya na 'The Blood Sisters' na sina Erich Gonzales at Ejay Falcon sa Magandang Buhay

- Sa kanilang panayam nina momshies Queen Mother Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal ay ibinahagi ng dalawa ang nasabing tampuhan na nangyari noon pang 'Katorse' days nila

- Tila mayroong hindi magandang nasabi at ginawa si Ejay noon kay Erich sa nasabing teleserye na pinaliwanag nila, at paglahad pa ng huli 2 to 3 years pala silang hindi nag-uusap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Una naming naispatan ang balitang ito sa ABS-CBN News, at napag-alaman nga namin na mayroon palang hindi pagkakaintidihan ang dalawang magkaibigan na sina Erich Gonzales at Ejay Falcon.

Nalaman pa ng KAMI na nangyari ito sa kanilang dating show na 'Katorse,' kung saan bida rin ang dalawa.

Ang naturang kwento ay ibinahagi nila sa mga momshies na sina Queen Mother Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa Magandang Buhay sa araw ng Miyerkoles, August 15, 2018.

Dito ibinunyag nilang dalawa ang tampuhan na nangyari na ayon pa kay Erich Gonzales ay umabot ng 2 to 3 years bago pa man sila mag-usap muli.

Ani pa ni Erich:

"'Yun 'yung first na magkatrabaho kami, immature. So, maliit na bagay ginagawang big deal kahit ano lang naman... Pareho kaming tactless that time talaga. So, wala siyang care sa kung ano ang sasabihin niya, tapos sensitive ako masyado. So, 'bahala ka, huwag na tayong mag-usap. Tapusin na lang natin itong work."

Pag-amin naman ni Ejay:

"Kulang siguro 'yung pagiging gentleman ko that time... May nasabi yata ako sa kanya, sabi ko, 'hindi pa ikaw ang nene sa 'Katorse,' alam kong nandoon na ako sa show.' Parang ganun. Siyempre, nakaka-off talaga. Aminado naman ako."

Pagkatapos ng kanilang tampuhan ay masaya naman silang nagsamang muli sa 'The Blood Sisters.'

Sa huli ay nagbigay sila ng mensahe sa isa't isa.

Sabi ni Ejay kay Erich:

"Alam mo sobrang proud ako sa iyo and sobrang thankful na ngayon ay tinanggap mo ako bilang kaibigan mo, hindi ba? Kasi nagkaroon tayo ng problema. Masasabi kong ikaw ay isang babaeng totoong kaibigan para sa akin. Kahit sana wala na tayo sa showbiz, sana ay nandoon pa rin ang friendship natin. Alam ko marami tayong pagkakapareho eh."

Ang sagot naman ni Erich:

"Sobrang na-appreciate ko si Falcon dahil dito sa 'The Blood Sisters,' na-appreciate ko kung paano niya ako alagaan. Talagang tina-try niya 'yung best niya to make sure na okay ako. Kahit simpleng, 'Day, papunta na ako sa taping, may gusto ka bang pagkain, ano ang gusto mong inumin?' Talagang he really cares and nakikita ko lahat 'yon."

Dugtong pa ng akters:

"And sinasabi ko sa iyo, proud ako kung nasaan ka ngayon and alam ko malayo pa talaga ang mararating mo. Itaga mo sa bato, kahit anong mangyari talaga, tapos na 'yung show, wala na tayo sa industry na ito, you can always count on me, through thick and thin."

Ayon pa sa balita, nasa huling tatlong gabi na ang kanilang show na 'The Blood Sisters' na mapapanood pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel