Isa pang Pinay, inakusahan ng pambubugbog sa anak ng partner niya

Isa pang Pinay, inakusahan ng pambubugbog sa anak ng partner niya

- May bagong istorya ukol sa isang diumano’y step mother na nangbugbog ng anak ng kinakasama niya

- Ayon sa report ng netizen, pinaghahanap na raw ngayon ang diumano’y step mom

- Galit na galit naman ang netizens sa lumabas na kwento ukol sa pamilyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maiinit pa ang balita ukol kay Berna Espina ay may lumabas na namang diumano’y step mother na nang-gulpi raw ng anak ng kinakasama niya.

Nalaman ng KAMI na ayon sa report ng netizen, pinaghahanap na raw ngayon ang diumano’y step mom.

Narito ang akusasyon na pinost sa Matalinong Matsing Facebook page:

“ATTENTION DSWD!

“Grabe naman ang ginawa ng kanyang step-mom sa bata. Pinagmalupitan at binugbog itong batang ito ng kanyang step-mom kahapon at ngayon tumakas na sa kanilang bahay at pinaghahanap na siya ng kaanak ng bata. Kung nakikilala ninyo o namumukhan ang babae sa ibaba, ipagbigay alam na lang sa kinauukulan. Haayss grabe bakit nauuso ang mga ganto ngayun,” ayon sa Matalinong Matsing.

Narito ang mga kontrobersyal na photos:

Galit na galit naman ang netizens sa lumabas na kwento ukol sa pamilyang ito:

“Ano ba yan panibagong pagmamaltrato nanaman ito?mga hayop na mga madrasta kung ayaw nyong mag alaga ng bata wag kayong kumuha ng may sabit”

“kawawa tlga mga bata ngaun pg nghhwalay mga mgulang..”

“pag iinitan nga talaga yan ng step mother nya..kc anak sya sa unang asawa ng ama nya..lalo pa kng magselos yang babae nayan cguro bata ung pinagbubuntungan ng galit.”

Nireport ng KAMI kamakailan ang istorya ni Berna Espina, na diumano’y nang-gulpi rin daw ng anak ng kinakasama niya.

Ayon kay Berna, pinalo lang daw niya ito at hindi ginulpi.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner

Kasali rin! Alkalde ng Borongan, nabigyan din ng balato ng P1B lotto winner
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel