Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

-Sa isang video makikitang itinulak ni Vhong si Vice Ganda sa isang nakasaradong pinto. Kilala sila Vice Ganda at Vhong Navarro bilang host ng “It’s Showtime, sila rin ay matalik na magkaibigan

-Parehong magaling na komedyante ang dalawa kaya naman normal na lamang sa kanila ang mga kalokohan sa set ng kanilang programa

-Madalas na ring mapanood ng madlang-people ang mga tuksuhan nilang dalawa maging ng ibang host ng noon-time show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay napanood ang isang Instagram story video, kung saan makikitang itinulak ni Vhong Navarro si Vice Ganda sa isang nakasaradong pinto. Bago pa ito, nauna ng nagbiro si Vice sa kaibigan sa pamamagitan ng biglang paghinto nito habang naglalakad sila sa loob ng set ng kanilang programa, dahilan para mabunggo ito sa kanya. Dahil dito, mukhang naisipang gumanti ng kaibigan.

Magkasama sila Vice (Jose Marie Borja Viceral) at Vhong (Ferdinand Hipolito Navarro) sa noontime variety television show na “It’s Showtime”. Parehong main host ang dalawa kung kaya naman ay madalas na makitang magkasama ang mga ito sa stage.

Madalas na rin mapanood ng madlang-people ang tuksuhan ng dalawa sa telebisyon man o sa mga social media accounts ng dalawa.

Isa si Vice Ganda sa mga sikat na komedyante sa bansa, siya ay pinanganak noong March 31, 1976 at ngayo’y 42 taong gulang na.

Kilala na rin si Vice sa paggawa nito ng mga pelikulang-komedya na patok sa panlasa ng mga Pinoy.

Samantala, si Vhong Navarro ay sumikat muna bilang isa sa mga dancer ng sikat na dance group na Streetboys bago naging ganap na artista at host.

Sa iba pang balita ng KAMI, napabalita na ang pagtatambal nila Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza sa isang pelikula sa darating na MMFF, tanong tuloy na marami, makabog kaya ito ni Vice Ganda?

Read more news about Vice Ganda and Vhong Navarro!

“Philippines In My Feelings” Drake Dance Challenge is already on HumanMeter! The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel