Ganito pala aliwin ni Drew Arellano si Baby Primo habang nagpapa-haircut siya!

Ganito pala aliwin ni Drew Arellano si Baby Primo habang nagpapa-haircut siya!

- Viral ngayon ang video ng pang-aaliw ni Drew Arellano kay Baby Primo para hindi maglikot habang ginugupitan

- Relaxed na relaxed naman si Baby Primo habang pinapanood ang isang nursery rhyme video sa cellphone ni Drew

- Ang viral video ay umani ng higit 130,000 views sa Instagram mula sa fans at netizens ni @antonioprimoarellano, social media handle ni Baby Primo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ginawa ni Drew Arellano ang maaaring normal na ginagawa na rin ng mga magulang tuwing nararamdaman na nilang mag-aaburido ang mga anak tuwing gugupitan ng buhok. Para nga naman sa mga bata, hindi ito nakakatuwang pakiramdam.

Nalaman ng KAMI ang balita nang mag-upload ng video sa Instagram ang mag-asawang Arellano na sina Kapuso stars Drew Arellano at Iya Villaña-Arellano, kung paano nga ba hindi maiirtia ang baby kapag ginugupitan ng buhok.

Sa nasabing video, makikita na game na game naman si baby Antonio Primo habang ginugupitan at nakakalong kay daddy Drew.

Makikita rin na nakangiti ito sa kanilang selfie video na kinunan ni Iya sa isang sikat na salon. Ayon sa kanila, effective ang ginawa nilang technique para hindi umangal si baby!

Ano nga ba ang nasabing paraan na effective? Inilihis nila ang atensyon ni Baby Primo sa gunting nang magplay ng nursery rhyme videos si Drew sa kaniyang cellphone. Mukha ngang effective!

Nilagay nila sa video ang caption na: "Mama and Papa don’t normally let me indulge in my fave YouTube videos but sometimes they get desperate hihi... But hey! Who doesn’t like my new haircut?? ‍♂️ Thank you Tito Fred! @hairshaftfred"

Panoorin ang video sa ibaba:

Ang viral video ay umani ng paghanga mula sa netizens na mabilis namang sumang-ayon sa nasabing paraan ng mag-asawa:

"Also using the same technique if i cant control my little prince "

"SUPER DUPER CUTTTTEEEEE "

"Ang cute ni baby primo @eunhye0618 "

"para-paraan c daddy @drewarellano Mo "

"the key most of the time hahaha"

Si Iya Villania ay isang kilalang aktres at TV host. Mas nakilala siya bilang isang VJ ng MYX na isang music channel dito sa Pilipinas. Siya din ay gumanap sa GMA series na My Korean Jagiya kasama si Heart Evangelista at Alexander Lee na isang Korean singer at host.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jordan Clarkson sets a season-high record as Cavaliers dominate Hornets

Jordan Clarkson sets a season-high record as Cavaliers dominate Hornets

Jordan Clarkson sets a season-high record as Cavaliers dominate Hornets
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel