Joshua Garcia, pinagsabihan ng Star Magic na bawas-bawasan ang PDA sa kasintahang si Julia Barretto

Joshua Garcia, pinagsabihan ng Star Magic na bawas-bawasan ang PDA sa kasintahang si Julia Barretto

- Tampok ang tambalang JoshLia sa press conference ng “Ngayon at Kailanman”

- Ayon kay Joshua, pinagsabihan siya ng Star Magic tungkol sa PDA nila ni Julia

- Pinagsabihan din si Julia ng kanyang ina na si Marjorie Barretto tungkol sa PDA nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa press conference ng bagong teleserye ng ABS-CBN na “Ngayon at Kailanman”, tampok ang tambalan ng magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sa isang ulat ng PEP.ph, nagkaroon sila at ang ibang mga press ng pagkakataon upang magtanong kina Julia at Joshua lalo na sa pagiging sweet at ‘clingy’ nila sa kanilang relasyon.

Ayon kay Joshua, “Pero pinagsasabihan na po ako nila, ng Star Magic, na bawas-bawasan nga ‘yung pagiging PDA.”

Depensa naman ng aktor, “Kaya naman... pero mahirap din kasing pigilan kapag nararamdaman mo, e.”

Nang tanungin ng PEP.ph kung saan nanggagaling ang sweetness ng kanilang relayson, sagot ni Joshua, “Galing na rin po sa... kasi siyempre mahal namin ang isa’t isa.”

“So, aalagaan namin ang isa’t isa.”

Dagdag niya pa, “Siguro normal na lang na lumalabas sa amin yung pagki-care, yung pagiging sweet ko sa kanya…”

“Ikaw, Bab, tingin mo?”

Sagot naman ni Julia, “Me, actually ngayon lang naman ako talagang mas naging open.”

"I feel Joshua’s really finally became very open about my feelings and he’s really opened me up, which I think is a good thing.”

“Kasi I think, for the longest time, I was always so scared, I was afraid to really...”

"Kasi tingin ko, konting kibot ko, palaging may nasasabi dati yung mga tao.”

“Pero now, I just learned to really trust myself and to show them who I really am.”, ani ng aktres.

Tinanong din ang dalawa kung may mga pagkakataong naiilang sila ipakita ang pagiging sweet sa harap ng ibang tao.

Saad ni Julia, “Yes, of course, definitely, especially when were around with our icons,” patukoy sa kanilang mga co-starts na sina Iza Calzado, Alice Dixson at Ina Raymundo.

Dagdag pa ng aktres, “Siyempre nahihiya ako. Siyempre to show respect also to our elders...”

Inamin naman ng dalawa na si Joshua ang mas malambing sakanila. Naiisip na rin ng aktor na hindi na tama ang PDA niya kay Julia.

Noong nakaraang Agosto 13, 2018, tampok ang pagbisita ni Julia at Joshua sa show ng ABS-CBN na Gandang Gabi Vice. Sa segment ng “Tanong Mo, Mukha mo!”, ipinakita ang litrato ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto.

Tanong ni Julia, “From 1 to 10, gaano ka na nabobother sa PDA namin ni Joshua?”

“Ay! Super PDA ba kayo? To what extent? Gaano kalalang PDA?”, tanong naman ng TV host na si Vice Ganda.

Sagot ng aktres, “Super! Minsan sinasabihan niya na ‘ko bago umalis. ‘Wag kayo masyadong ano, PDA.’”

Marami na ang nakakaalam na ang magkasintahan ay ‘clingy’ o labis ang pagpapakita ng lambingan o Public Display of Affection. Pero hindi sila nahihiya ipakita ito sa harap ng maraming tao. Kilala rin sila sa kanilang tawagan na “Baba”.

Ang tambalang JoshLia ay bumida sa pelikula ng Star Cinema na ‘I Love You Hater’, noong Hulyo 2018. Sa unang pagkakataon, sila naman ay makikita sa telebisyon sa darating na Agosto 20, bilang si Eva at Inno sa teleseryeng ‘Ngayon at Kailanman’.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, bumisita sina Julia at Joshua sa Gandang Gabi Vice. sinabi ni Julia ang katotohanan sa naging ‘dinner date’ nila ni Loisa Andialo. Ipinakita rin ang naging reaksyon ni Joshua at Ronnie Alonte sa nasabing ‘dinner date’.

POPULAR: Read more about Julia Barretto here!

“Philippines In My Feelings” Drake Dance Challenge is already on HumanMeter! The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel