Magaling na si baby girl! Bumuhos ang tulong kay Baby Mariel matapos maging viral ang kanyang video

Magaling na si baby girl! Bumuhos ang tulong kay Baby Mariel matapos maging viral ang kanyang video

- Hindi naging madali ang pinagdaanan ng 3 taong gulang na si Mariel

- Matapos mahiwalay sa sariling ina, pinagmalupitan diumano siya ng madrasta

- Kaya naman marami ang naantig at nagbigay ng tulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral ang post ng isang netizen na nagpapakita ng sinapit ng kanyang pamangkin. Ang diumano'y nanakit sa bata ay si Berna Espina, kinakasama ng tatay ng bata.

Ang tiyahing kumuha ng video ay kapatid ng kanyang ama. Ayon pa sa video na ibinahagi online, kukunin na nito ang bata upang maalagaan ng maayos.

Marami ang nagtatanong kung bakit hinayaan ng sariling ina nito na mapunta ang bata sa poder ng tatay at ipaubaya ang pag-aalaga sa ibang tao.

Kaya naman nang may nagpost na nagpahiwatig ng sama ng loob sa diumano'y sinapit ng kanyang anak sa kamay ng magkarelasyon, umani ito ng sari-saring reaksiyon.

May mga nanisi sa kanya kung bakit diumano niya hinayaan ang anak. Gayunpaman, sagot ng Facebook user na may handle na Marimar QuiLap QuiLap, sana daw ay huwag na lang magkomento kung walang masabing maganda dahil hindi daw nila alam ang tunay na nangyari kaya sila nasa ganung sitwasyon.

Nang makapanayam siya ng media, napag-alamang itinakas ng ama ng bata si baby Mariel noong siya ay maliit pa at hindi na niya alam kung saan sila lumipat.

Marami ang naantig dito kaya naman, marami din ang nagpaabot ng tulog.

Napag-alaman ng KAMI sa isang post ng isang netizen na nagngangalang Roby Londonio De Leon na bumubuti na ang kalagayan ng bata. Ibinahagi niya ang litrato ni Baby Mariel na nagpapagaling at may hawak itong cake. Nakasulat dito ang get well soon.

May mga laruan din sa kanyang higaan. May mga netizens na pumasyal sa kaniya at nagbigay ng tulong at nagpakita ng pagmamahal at pag-aalala.

Tunay nga naman, ang social media at internet, kapag ginamit sa tama ay malaki ang naitutulong. Kagaya na lamang ng unti-unting pagbabalik ng kumpiyansa ng isang batang biktima ng pang-aabuso.

Mula sa amin sa KAMI, get well soon baby Mariel!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel