Tropa ni 'walwal' girl, nag-ala rescue mission sa pagbubuhat sa kanya!

Tropa ni 'walwal' girl, nag-ala rescue mission sa pagbubuhat sa kanya!

- Viral ngayon sa social media ang video ng pagbubuhat sa isang babaeng nalango sa alak, habang inilalabas galing sa inuman

- Buhat siya ng apat na kaibigang lalaki na inaming mga nakainom na rin, habang kumukuha ng video ang kasama nitong babae

- Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon sa comments ng post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala ang pag-inom ng alak, o mismong alak, bilang isang kasangga pas pagmo-move on ng isang tao. Pwede rin namang magpakalasing dahil sa sobrang kasiyahan dala ng pagdiriwang, gaya ng pagpanalo, graduation, o pasasalamat.

Ngunit kaakibat ng pag-inom ay isang mahalagang paalala na nakukuha natin mula sa mga magulang o mga kaibigan na concerned sa atin.

Ayon nga sa kanila, dapat ay magtira sa sarili at huwag hayaang makain ang sistema ng sobrang pag-inom ng alak na hindi kalang malalasing, kundi malalango ka pa.

Marami na ring kaso ang nabalita ukol sa sobrang pag-inom ng alak na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao.

Kung kaya't sa isang kuwentong nakalap ng KAMI, ang isang babaeng lubos ang pag-inom, o umabot na sa punto ng 'walwal', ay naging viral ngayon sa social media.

Kinunan ang nasabing viral na video ng isang kaibigang babae na hindi mapigilan ang sarili kakatawa, na halos sumakit na ang kanyang tiyan dahil sa tila isang bangkay na ang kaibigan, dahil sa himbing ng pagkakatulog matapos hindi kayanin ang paglalasing.

Aniya, ayun daw ang nababagay sa kanya sa sobrang paglalasing. Ito raw ang napapala ng mga taong sobra ang pagpapakalunod sa alak. Mabuti na lang ay may mga lalaki silang kaibigan na kasama, na may malinis na hangaring makatulong sa pagbubuhat sa kanya.

Ayon pa sa kanila, lasing na rin daw sila. Narito ang buong video ng kakatuwang pangyayari sa magbabarkada:

Umani naman ang video ng iba't ibang reaksyon sa social media. Maraming natuwa, ngunit marami ring nainis:

"Tapus pag nagahasa. Daming reklamo. Ewan koba sa mga babae ngayun.'

"minamanyak na ng mga nagbubuhat..mga kaibigan ba yan mga yan.?wt%?"

"Kaibigan bang maituturing yung mga ganito? ‍♀️ lasing na nga yung tao, nakuha pa mag video at ipublic pa. Kung talagang concern kayo sa tao, inuwi nyo na lang ng safe."

"Haha magtitira din kasi ng pang uwe "

"Atleast hnd hinayaan ng mga boys ihiga lng sa sahig di nila iniwan"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel