Di na kinaya? President Duterte,umaming iniisip na ang pagbaba sa pwesto

Di na kinaya? President Duterte,umaming iniisip na ang pagbaba sa pwesto

-Ipinahayag ng pangulo ang kagustuhan niyang bumaba na bilang Presidente ng bansa, nitong nakaraang Martes sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” ng Go Negosyo sa Malacanang

-Pagod na diumano ang Pangulo sa walang katapusang laban sa graft and corruption sa bansa. Sinabi pa ni President Digong na imposibleng matapos ang problema kaugnay sa graft and corruption at laban kontra-droga sa loob ng kaniyang termino

-Mariin namang sinabi ng pangulo na hindi si Vice-President Leni Robredo ang tamang taong hahalili sa kanyang pwesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagod na pagod na daw si Pangulong Rodrigo Duterte sa tila walang katapusang laban sa graft and corruption sa bansa. Dahil dito ay seryoso na daw niyang pinag-iisipan ang pagbibitiw sa pwesto bilang lider na Pilipinas.

Kamakailan lamang sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” ng Go Negosyo, sa harap ng mga bisitang negosyante, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang mga saloobin patungkol sa hindi matapos-tapos na laban kontra sa graft ang corruption. Pahayag pa ni President Digong, halos lahat ng ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas ay apektado na nito.

“I said to the soldiers and police, ‘Guys, I want you to know that I am thinking of stepping down because I’m tired’,” Pahayag ng Pangulo nitong Martes lamang.

“While I am not against or angry against anybody, my chase against graft and corruption seems to be endless and it has contaminated almost all government departments and offices,” dagdag pa ng Pangulo.

Kamakailan lamang ay sinibak ng Pangulo ang board and management ng Nayong Pilipino dahil sa kwestyonableng lease contract sa isang Chinese firm.

Sa kabila nito, hindi pa rin kumbisido ang Pangulo, na maaaring si Vice-President Leni Robredo ang humalili sa kanya sa pagiging lider ng bansa.

At para naman daw sa mga taong nag-iisip na i-eextend ni Pangulong Duterte ang kaniyang termino, tinawag niya ang mga itong: “lowest idiot in this country”.

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas.

At kauna-uanahan na galling sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Sa iba pang balita ng KAMI, sinibak ni Pangulong Duterte ang ilang opisyal ng AFP matapos mabigo ang mga itong ibigay ang nararapat na tulong-medikal sa mga sundalo dahil sa katiwalian.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel