Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

- Ibinahagi ng isang Pinay OFW sa UAE ang sinapit na aksidente sa daan kasama ang amo, isa pang Pinay at 2 batang anak ng kanilang amo

- Inakala niyang katapusan na nilang lahat mula sa sumabog ang sasakyan na nasa daan

- Matapos silang matulungan ng mga Pakistani sa daan ay dumating na ang ambulansya na nagdala sa kanila sa Ghayathi Hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na bago sa atin kung gaano kahirap maging isang OFW, partikular na sa Gitnang Silangan, kung saan ay maraming Pilipino ang nakikipagsapalaran upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Marami rin namang OFW ang nakararanas ng pag-ahon mula sa kahirapan, mga nakakaipon ng malaki at bumabalik sa kani-kanilang mga pamilya sa bansang sinilangan.

Ngunit marami rin ang nakararanas ng mga hindi inaasahang sitwasyon habang nasa kani-kanilang mga trabaho, lalo pa sa mga lugar na hindi inaasahang mangyayari ang mga aksidente.

Tulad na lamang ng kwento ng isang Pinay OFW na si Jelyn Penton, na nakaranas ng matatawag niyang "pinakamasklap na trahedya" ng kanyang buhay.

Habang patungo siya sa Liwa Farm kasama ang among babae na Emirati, mga anak nito at isa pang Pinay OFW na si Jing, nagkaroon ng aberya sa kanilang sasakyan na nagpagulong-gulong at nasira ang mga parte nito.

Isinalaysay niya kung paano silang lahat na tumilapon palabas ng sasakyan, habang siya ay hawak-hawak nang maigi ang alagang bata.

Ayon sa kanya, matapos ang higit 1 oras na paghihintay sa daan, habang naisalba ang mga gamit, 2 batang alaga, ang amo niyang babae, pati na rin ang kasamang pinay, ay naisugod na rin sila sa Ghayathi Hospital sa Abu Dhabi.

Alamin ang kanyang buong pahayag sa kanyang FB post:

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel