"Exagg!" Reaksyon umano ni Kris Aquino tungkol sa komento ni Chris Pang sa kanya

"Exagg!" Reaksyon umano ni Kris Aquino tungkol sa komento ni Chris Pang sa kanya

- Ayon pa sa mga balita, nagreact na daw ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa pagtawag sa kanya ng Hollywood actor na si Chris Pang na "She’s the real crazy rich Asian"

- Ito ay dahil sa diumano'y "18 assistants" na kasama ng host-actress-endorser sa kanilang set habang shinoshoot pa ang widely celebrated film, kung saan kasama ang dalawa

- Saad pa sa balita, klinaro umano ni Kris na 8 lang ang tao na kasama niya, at ang iba ay mga bisita daw niya na mga taga P&G team na nakabase sa Singapore

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na una naming naispatan sa Philippine News website na unang lumabas sa Philippine Entertainment Portal o PEP, tumugon na umano ang Queen of All Media Kris Aquino tungkol sa pagtawag ng Australian Hollywood actor na si Chris Pang na "real crazy rich Asian" dahil sa diumano'y "18 assistants" na kasama niya noong shooting nila sa Singapore.

Nalaman ng KAMI na nagbigay na daw ng reaksyon si Kris tungkol sa komento ng kasamahan niya sa movie na kapapalabas lang at pinag-usapan ang premiere.

Ayon pa umano sa balita ng Pilipino Star Ngayon, ang alam ng Queen of All Media, 8 lang ang staff na kasama niya.

Dagdag pa daw ni Kris, ang walong staff na ito ay kabilang ang kanyang make-up artist, hair stylist, at fashion stylists, at ang team umano niya na tatlong tao lang naman daw.

Tila inakala ni Chris Pang na ang mga taong bumisita sa kanya na mga taga Ariel at P&G team na nakabase sa Singapore na dinalhan siya ng bulaklak ay kasama sa entourage niya.

Bukod pa sa kanila, dumalaw din daw ang friends ng finance manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis at pati na ang mga boss ng Unilever at General Mills.

Alam naman nating lahat na si Kris ay isa sa mga top endorsers ng bansa at ang mga nabanggit na brands ay may mga produkto na iniindorso ang aktres.

Nagkomento pa raw si Kris na "exagg" naman daw ang sabi ni Chris Pang at deadma na lang umano siya tungkol rito.

Binalita namin dito kamakailan lang ang pagtawag ng Hollywood actor ni Kris na "She's the real crazy rich Asian."

Ito ay reaksyon ni Chris Pang sa interview niya sa Preview.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel