Kris Aquino kahit namigay ng relief goods, na-bash pa rin! Hindi naman ito pinalagpas ng Queen of all Media

Kris Aquino kahit namigay ng relief goods, na-bash pa rin! Hindi naman ito pinalagpas ng Queen of all Media

-Pagkatapos na mapabalitang nagkasakit kamakailan lamang si Kris Aquino, at pagod pa mula sa red carpet premiere ng “Crazy rich Asians, hindi pa rin nag-paawat at namigay ng relief goods sa Marikina

-Hindi naman napigilang mag-react ng “Queen of all Media” sa pangalan mismo ng eskwelahang pinuntahan upang mag-abot ng tulong, ang H. Bautista Elementary School

-At tulad ng dati, palaban na hinarap ni Kris Aquino ang mga bashers niya sa pamamagitan ng pagre-reply sa mga harsh comments ng mga ito patungkol sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Katatapos lamang pag-usapan si Kris Aquino nitong nakaraang lingo dahil sa red carpet premiere ng pelikulang “Crazy rich Asians”, isa si Kris sa bibida sa nasabing hollywood movie. Heto at usap-usapan na naman ang “Queen of All Media”, dahil sa diumano’y “show off” nito sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong sa Marikina.

Sa kabila nito’y marami pa rin nagpabatid ng pasasalamat at suporta sa isa sa mga most influential people sa Pilipinas.

Hindi naman pinalagpas ni Kris ang mga harsh comments ng mga ito sa kanya at sinabing lubayan na ang kaniyang teritoryo (social media accounts).

From @popoymagpayo: “Just a photo op…”

“@popoymagpayo I refuse to be judged and bullied in my territory. Very politely let me say: GET OUT. Kung gusto mo kong siraan have the decency to do it in your own feed. #laban #notobullying” tugon naman ni Kris dito.

Samantalang, malaki ang pasasalamat ni Congressman Miro Quimbo sa aktres at host, at sinabing hindi makakalimutan ng lahat ng tiga-Marikina ang kagandahang-loob na ito ni Kris. Ayon pa dito, dumating ang “Queen of All Media” sa H. Bautista Elementary School si Kris na walang camera o reporter na kasama.

Sa nakaraang report ng KAMI, nawindang ang lahat sa suot na modern Filipina ni Kris Aquino sa nakaraang red carpet premiere ng hollywood movie na "Crazy rich Asians". Hindi napigilan ng mga fashion critics na punahin ang nasabing Filipiniana.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. So… What about you? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Maymay Entrata is now the first Filipina to walk at the prestigious Arab Fashion Week

Maymay Entrata is now the first Filipina to walk at the prestigious Arab Fashion Week

Maymay Entrata is now the first Filipina to walk at the prestigious Arab Fashion Week
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel