Malas daw? Mister, binahagi ang nakakatakot na karanasan sa pag-iipon gamit ang alkansiya
- Nag-viral ang post ng isang facebook user na si Gustavo Fring kung saan binahagi niya ang nakakakilabot na karanasan nila sa pag-iipon gamit ang alkansya
- Noong una raw ay di sila naniniwala hanggang sa sunod sunod na mga kamalasan ang naranasan nila at may napansin pa siya sa ginawang alkansiya
- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang mahabang kwento ng facebook user na si Gustavo Fring kung saan kinuwento niya ang tila kamalasan daw ng pag-iipon gamit ang alkansya.
Di raw naniniwala noong una si Gustavo hanggang sa tila sunod sunod ang mga kamalasan na nangyayari sa kanilang pamilya.
Ayon sa post ni Gustavo, noong una ay masaya pa sila ng kanyang misis na naghuhulog sa kanilang alkansiya. Hanggang dumating ang araw na sinita siya ng kanyang manugang at sinabing malas daw ito at tila may pinaghahandaan.
Nalaman ng KAMI na pati ang biyenan ni Gustavo ay nagsabing malas ito lalo pa at nilagay pa ng mag-asawa ito malapit sa kanilang kama.
Patuloy pa rin ang pag-iipon ng mag-asawa hanggang sa tila inulan nga sila ng kamalasan.
Kabi-kabilang away, nakagat ng aso ang misis ni Gustavo, nadulas pa ito na delikado gahil bagong panganak, nadulas din ang biyenan niya, nagkasakit ang mga anak ni Gustavo at ilan pang kamalasan ang di pa rin iya pinaniwalaan.
Hanggang sa isang madaling araw, nagising na lamang siya sa sobrang sakit ng ulo at tila napasukan ng hangin ang kanyang tiyan niya. Sumabay pa ang iyak ng kanyang mga anak. Bigla na lamang sinabi ng misis niyang buksan ang alkansiya.
Kinilabutan daw talaga si Gustavo habang binubuksan ito lalo na nang mapansin nilang hugis krus pa ang butas ng alkansiya. Naisip niyang para ngang pang-abuloy.
Mula raw noon ay wala nang anumang nangyari sa kanilang di kagandahan. Naisip rin ni Gustavo na marahil kinailangan lang talaga nilang mag-asawa na magdasal pa.
Samantala, di naman nakawala ang post na ito sa mga netizens na nakabasa nito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
" Ithink hindi naman totoo.. nag alkansya rin ako nag start ako nung january kc nauso ang 2018 ipon challenge e di gumaya rin ako.. kc wla pa akong id para mag open ng acct.. by thursday dumating na umid id ko kaya nag open ako agad ng acct. Friday, knna nkuha ko na ATM ko at binuksan ko alkansya ko un ung unang ginamit ko laman sa atm ko nka 6,120 ako dun sa alkansya.. kaya hindi ako naniniwala sa malas kc kong yan ang iniisip natin tlagang mamalasin tayo.. think possitive para sa future"
"May kasabihan nga kapag may itinabi may madudukot... ang mga insurance parang modern alkansya din yan... kaya masasabi ko nakatulong ang alkansya kahit papaano sa gastusin"
"Yung lola qoh nagturo sakin paano Mag ipon sa alkansya, walang masama sa pag-iipon, Tandaan mo ang kasabihan na "Kapag may isinuksok, may mahuhugot"
"ako may alakansya din sa palayok na may takip una pinaglutuan ko pa un ng kare kare pero alkansya na... hehehe, ung pera na naiipon ko dun ginagamit ko sa small business na sideline ko... napapansin ko nman na may pagbabago sa maliit na negosyo lumalaki na siya ngayon...kaya ung palayok na alkansiya puno na ng pera..."
"Meron talagang ganyan, pag ako yung nag iipon sa mga kung anong pwedeng gawing alkansya nagkaka sakit anak ko. Kaya smula nun dko na inulit."
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh