Opisyal na pinapirma ng Houston Rockets si Carmelo Anthony

Opisyal na pinapirma ng Houston Rockets si Carmelo Anthony

- Sa balitang sports galing sa Houston, pinapirma na nga ng NBA team na Rockets si Carmelo Anthony

- Ito naman ay ibinahagi ng opisyal na Twitter account ng koponan, kung saan makikita si Melo at ang General Manager ng nasabing team na si Daryl Morey

- Sa naturang litrato ay makikita ang basketball star na pumipirma sa harap ni Morey ng Houston Rockets

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mula sa pagiging free agent, ngayon, ay opisyal na miyembro na si Carmelo Anthony ng Houston Rockets, at ito ay "signed ang sealed," ika nga.

Una naming nalaman ang balitang ito sa ABS-CBN Sports, at dito nalaman din namin ang pagpirma na nga ng dating NBA free agent na si Melo.

Inanunsyo na nga ngayon ng Houston Rockets na ang beteranong basketbolista ay pumirma na nga sa nasabing koponan at opisyal na small forward na nila, ayon pa sa balita.

Naispatan din ng KAMI ang naturang anunsyo sa opisyal na Twitter account ng General Manager ng Houston Rockets ang nasabing pagpirma ni Melo.

Ang 6'8" at 240 lb. na 15-year NBA veteran ay 10-time All-Star at tinanghala na 'All-NBA Second Team' sa pangalawang pagkakataon at 'Third Team' sa pang-apat na pagkakataon.

Dagdag pa nito, si Melo ay isang 3-time Olympic gold medalist din, at ang all-time leading Olympic scorer at rebounder ng USA Basketball.

Una naming binalita rito ang nakatakdang pagpirma ni Carmelo Anthony sa Houston Rockets.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi

Netizens, super excited sa nakakapanabik na episode ng Halik mamayang gabi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel