Bumwelta ang pamilya ng Pinay VS model na si Kelsey Merritt sa 'di magandang komento ng netizen

Bumwelta ang pamilya ng Pinay VS model na si Kelsey Merritt sa 'di magandang komento ng netizen

- Ika nga nila, paghitik sa bunga ang isang puno, kalimitan ay binabato ito dahil sa kanyang bunga

- Tila lahat na yata ng sikat at kilalang tao sa buong mundo ay alam na alam ito dahil sa kanilang mga bashers

- At kamakailan lang ay biktima nito ang Pinay Victoria Secret model na si Kelsey Merritt

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa nasungkit na pangarap na matagal na inaasam, si Kelsey Merritt ay biglang nagtrend at nagviral online dahil na din sa karangalan na natanggap niya kamakailan lang.

Kinuha lang naman siya ng isa sa sikat at prominenteng pangalan sa Fashion world ang Victoria Secret.

Kasabay nito ay ang iba't ibang mga reaksyon at suporta ng mga netizens online pero malungkot man sabihin na mayroon at mayroon pa ring mga Pinoy o mga tao na tila hindi magiging masaya sa tagumpay at kaligayahan ng iba.

Sa isang post ni Kelsey Merritt sa kanyang Instagram account kung saan naispatan ng Fashion Pulis, kung saan una din namin nalaman ang balitang ito, ibinahagi nito ang isang larawan niya naka-angkas sa balikat ng kanyang Olympic gold medalist na boyfriend na si Conor Dwyer.

Dito, naispatan rin ng KAMI, ang nasabing basher na may username na @tinathompson12 tila hindi happy sa lovelife at happiness ng Pinay Victoria Secret model na si Kelsey Merritt at sinabing:

"Yes work it for that green card."

Pero tila hindi na kailangan pang rumesbak si Kelsey Merritt dahil ginawan na siya ng pabor ng kanyang kapamilya at sinagot ang nasabing komento.

Ayon sa kapatid niya na si Keagan Merritt:

"@tinathompson12 she's been an American citizen since she was born. Try studying again. (emoji)"

At ang daddy naman nila na si Philip Merritt ay dumagdag na:

"@tinathompson12 Kelsey is a USA citizen by way of being my daughter. Any child born of an American citizen (no matter whether a father or mother) becomes a USA citizen at birth. That is why she has a USA passport."

Bumuhos din ang iba't ibang suporta galing sa mga followers niya.

Bumwelta ang pamilya ng Pinay Victoria Secret model na si Kelsey Merritt sa isang basher online

Credit: Fashion Pulis/Instagram-Kelsey Merritt

Binalita namin dito ang pagkakuha ni Kelsey Merritt bilang isa sa mga modelo ng prestihiyoso at sikat na Fashion brand na Victoria Secret.

Ang kanyang ina ay isang Pinay at ang kanyang ama ay isang Amerikano, na nabanggit din ng huli sa bwelta niya sa basher.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel