Winwyn Marquez, kumpyansa kay Catriona Gray na masusungkit ang Miss Universe 2018 title

Winwyn Marquez, kumpyansa kay Catriona Gray na masusungkit ang Miss Universe 2018 title

- Alam ni Winwyn Marquez na kayang ipanalo ni Catriona Gray ang darating na Miss Universe 2018 na gaganapin sa Bangkok, Thailand

- Sinabi niya rin na masyado lang daw judgmental ang lahat ng mga bashers na humusga sa katawan ni Catriona

- Aniya, ang mahalaga raw ay confident siya sa panlabas at panloob niyang katauhan na siyang bumubuo sa sexy personality ni Gray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

All-out support ang kapwa beauty queen ni Catriona Gray na si Teresita "Winwyn" Marquez na masusungkit ng reigning Miss Philippines ang korona sa gaganapin na Miss Universe 2018 sa Bangkok. Aniya, ang personalidad ni Gray ang magdadala sa kanya sa itaas.

Nalaman ng KAMI tungkol sa pahayag ni Winwyn Marquez matapos nitong kapanayamin sa upcoming movie na "Unli Life," kasama si Vhong Navarro.

Ayon kay Winwyn, alam daw ni Catriona Gray kung paano dalhin ang sarili niya dahil sa galing at confidence nito sa harap ng maraming tao.

"So, sana siya yung manalo. Basta ako, I want her to win. She’s representing the Philippines." Sagot niya kanyang panayam sa Pep.ph.

Dagdag pa niya, "Strength niya, ang galing niyang dalhin ang sarili niya. She’s very smart. She knows what she’s doing. She has a great personality and sana makita ng judges yun."

Nagbigay din siya ng kanyang hinuha ukol sa issue ng body-shaming ng bashers kay Catriona Gray. Ayon sa kanya, sexy talaga ang Miss Philippines-Universe.

“Of course! Her personality is sexy. She’s tall, she has a nice body, for me. Siguro ang taas lang kasi ng ine-expect ng ibang tao, pero huwag naman silang mag-judge."

Aniya, iba't iba naman daw ang hugis ng katawan na babagay sa bawat indibidwal.

“Kasi iba't iba naman ang shape kung ano ang maganda sa babae. Wala naman iyan sa katawan, eh. Kung paano mo dalhin ang sarili mo, yun yung magsa-shine, and I think Catriona is doing that."

Confident ang Reina Hispanoamericana 2017 na proud si Catriona sa kung anong meron siya at taglay niya sa katawan at personalidad.

“Ang hirap kasi sa ibang tao, masyado silang perfect sa utak nila. Masyado silang judgmental. For me, Catriona is perfect. I mean, she is a perfect representative for Miss Universe. She is really honest sa sarili niya."

"She’s proud of who she is, kung ano ang hitsura niya. For me, that’s sexy.”

In this episode of the Philippines Social Experiment, Javen will harass his female friend in different public places. How will people react to a woman suffering harassment in front of them? Will someone try to stop Javen? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel