San Miguel's boss, Ramon Ang, mag-isponsor na maging Pinoy citizen si Justin Brownlee ng Ginebra

San Miguel's boss, Ramon Ang, mag-isponsor na maging Pinoy citizen si Justin Brownlee ng Ginebra

- Ang American import ng Barangay Ginebra ay nagpahayag umano sa kanyang pagnanais na makapaglaro sa PBA habang buhay

- Pero, hindi lang pala ito ang gusto niya dahil, ayon pa sa balita, nagpahayag din daw si Justin Brownlee na maging isang Pinoy

- Sa ikatlong pagkakataon, nanalo ang Tifton, Georgia native na forward ng Gin Kings sa PBA, ito ay sa dalawang taon lang na nasa Pinas siya, ayon pa sa ulat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila napamahal na ng American import ng Ginebra na si Justin Brownlee ang Pilipinas na nagpahayag umano ito na gusto niyang maging isang ganap na Filipino.

Ito ay ayon sa balita na nasagap ng aming grupo sa Rappler.

Dahil sa pagnanais ng 3-time PBA title holder na maging isang Filipino Citizen, napag-alaman ng KAMI na buo naman ang suporta boss ng San Miguel na si Ramon Ang.

Sa katunayan ay willing umano ang huli na mag-isponsor sa naturalization ni Brownlee.

Ayon pa sa balita, ito ay pinahayag din ng San Miguel boss sa 2nd victory party ng Gin Kings para sa PBA Commissioner's Cup championship sa San Miguel head office noong Lunes, August 13, sa Mandaluyong.

Dito din raw sinabi ni Ang na willing siya mag sponsor sa naturalization ng "do-it-all" import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee.

Ani pa umano ni Ramon Ang:

"We will apply and will sponsor him to be a Filipino citizen so he can play for the next 100 years."

Sinabayan naman ng cheers at tawanan ng mga empleyado at management ng San Miguel ang pahayag ng kanilang boss.

Dagdag pa ni Ang:

"He's a very, very nice guy and in fact, I think we will all be very happy if he's going to be a Filipino."

Hindi naman ito isang sorpresa na malaman na gusto ni Brownlee maging isang Pinoy dahil na din sa napakaraming fans ng Ginebra na sinusuportahan din siya dahil sa malaking tulong niya sa pagbulusok ng koponan sa championship.

Kahit wala daw pahinga ay dumiretso daw ito na sumali sa team, at wala pa raw siyang nakikita na mga imports na kagaya ni Brownlee, saad pa umano ng San Miguel's boss.

"Without resting, he immediately came to join the team and the rest is history. [I]'ve seen so many imports come into this country, but have never seen a guy like Justin Brownlee."

Nagbiro pa si Ang tungkol sa treinta anyon na si Justin Brownlee at hinihikayat pa ang mga Pinay na magustuhan ang basketbolista.

"Justin, you know, is single and looking to get married in Manila. So to all the single women here, send your resumé to his email or apply in person tonight."

Ayon pa sa isang balita, replacement import lang pala si Brownlee, pero tila hanggang "forever" na nga ito.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel