Dahil sa birthday picture niya sa Boracay, Alice Dixson, umamin na sa tunay na estado ng puso niya

Dahil sa birthday picture niya sa Boracay, Alice Dixson, umamin na sa tunay na estado ng puso niya

- Pagkatapos ng ilang araw na pinag-uusapan ang birthday picture at Instagram video story ng aktres na si Alice Dixson

- Dito rin napag-alaman na kasal na pala ulit ang walang kakupas kupas ang ganda na 'Ang Probinsyano' star

- Sa wakas ay nagsalita na siya sa isang panayam sa press at umamin na din siya sa tunay na estado ng kanyang puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na tayong nababasa na balita tungkol sa napakagandang aktres at dating beauty queen na si Alice Dixson.

At ito ay dahil sa kanyang Boracay snaps noong kanyang kaarawan na talaga namang ikinagulat ng marami.

Pagkatapos ng maraming haka-haka at batikos tungkol sa Kapamilya atkres, na makakasama din sa teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Ngayon at Kailanman, ay sa wakas nagsalita na tungkol sa isyu at dito rin ay umamin na siya sa totoong lagay ng kanyang puso.

Unang naispatan namin ang pag-amin ni Alice Dixson sa ABS-CBN News.

Napag-alaman ng KAMI, na pagkatapos ng ilang araw pananahimik sa mga isyu tungkol sa viral Boracay birthday snaps niya at pagbuking ng kanyang tunay na estado sa buhay, nagsalita na ang aktres tungkol rito.

Binigyan niya ng linaw ang naging kontrobersiyal birthday celebration kamakailan lang sa isla ng Boracay na alam naman ng lahat na close ngayon dahil inaayos at nililinisan ito.

Nangyari ang pagsalita at pag-amin ni Alice Dixson sa media launch ng bagong Kapamilya primetime TV series na pinamagatang 'Ngayong at Kailanman,' kahapon, August 13, 2018.

Paliwanag ng magandang aktres:

“Yes, I’m a resident there. Yes, I was there on my birthday. Yes, I did post some pictures in Instagram because natuwa lang ako, because nobody was on the beach when I was there. And I know, never 'yun mangyayari ulit sa buhay ko."

Dagdag pa niya:

“I never thought that I would hear so much public outcry for that. Parang ang laki ng kasalanan ko."

Pagtatapos pa niya tungkol sa kanyang estado sa puso:

"In the same sense, hindi ko naman ma-explain explain, and I didn’t feel that I need to explain my personal life to the whole world. But now that it happened, alam niyo na!”

Unang binalita namin na dahil sa kontrobersiya ng kanyang Boracay birthday snaps, nalaman ng buong bayan na residente siya sa naturang isla dahil asawa siya ng isang top executive ng Crimson Hotel.

Si Alice Dixson ay ang Philippine representative sa 1986 Miss International competition at naging household name dahil sa kanyang sikat na Palmolive soap TV commercial, kung saan nakilala siya sa katagang, "I can feel it!"

Naging contestant din siya sa Eat Bulaga at naging Faye ni Enteng Kabisote sa Okay Ka, Fairy Ko.

Mula noon, maraming TV at movie projects na ang ginawa niya pero diumano'y iniwan ang showbiz nang magpakasal sa unang asawa na si Ronnie Miranda noong 1999.

Pero nagkahiwalay sila noong 2013, at dahil nga sa Boracay birthday pics niya, napag-alaman na ng lahat na may asawa na siya ngayon pagkatapos ng limang taon.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel