Sobrang laptrip! Hinihinalang scammer, nabaliktad at siyang na-scam ng dapat sana ay bibiktimahin

Sobrang laptrip! Hinihinalang scammer, nabaliktad at siyang na-scam ng dapat sana ay bibiktimahin

- Muntik nang mabiktima si ate girl ng isang hinihinalang scammer sa phone

- Bigla na lang diumano siyang tinext na nanalo ang kaniyang sim card na lampas kalahating milyong piso

- Naging wais naman si ate girl at pinag-tripan lang ang nasabing scammer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae ang nag post sa social media ng conversation nila ng isang diumano’y scammer.

Nalaman ng KAMI na bigla na lang tinext ang babae at sinabihang nanalo ang sim card nito ng PHP 650,000.

Bagama’t isang karaniwang cellphone number lang ang ginamit sa pag anunsyo, nagpakilala ang hinihinalang scammer bilang Attorney John A. Mendez.

Nanggaling diumano ang pa-premyo sa Tzu Chi Foundation at sinabing may DTI permit ito.

Agad namang pumatol ang babae at nag reply ng complete name at address sa sender ng sinasabing scam.

Ipinaalam ng nasabing Attorney sa babae na upang ma-claim ang kaniyang prize, kailangan nitong tumawag sa numerong ginamit.

Dito na nagsimula ang nakakatuwang pag-uusap ng dalawa.

Paulit-ulit na nagpasalamat ang babae dahil sa premyo ngunit sinabi ng “scammer” na dapat sa Panginoon siya magpasalamat dahil sa biyaya.

Pinagtawanan naman ng babae ang hinihinalang scammer dahil sa matigas na pagbikas nito ng mga salita.

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, sinang-ayunan ng babae ang lahat ng sinabi ng nagpakilalang Attorney at nagpasaring pa ito na nangangailangan talaga siya ng pera.

Ayon sa nasabing scammer, kailangan daw pa-loadan ang number niya upang ma-claim ang prize.

Kailangan din daw na tahimik lang ang nanalo kapag nagpa-load ito sa tindahan dahil “malaking pera ang pinag-uusapan.”

Hindi na nakapagpigil ang babae at pinagmumura ang scammer.

Narito ang nakakatuwang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang netizen ang nagpaalala sa mga nagtitinda na mag-ingat dahil nagkalat ang mga buyers na manloloko.

Imagine that you’re walking down streets of the Philippines, thinking of your work, friends, and family. Suddenly a man walking in front of you drops his wallet. He continues walking, without realizing that he has just lost all his money. What would you do in this situation? Social Experiment: How Honest Are People Around You? – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay

Cellphone ng isang OFW na ipinangutang lang daw, iginisa ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel