Alice Dixson, nagsalita tungkol sa isyu tungkol sa paggamit ng 'Ang Probinsiyano' sa wedding picture nina Dingdong Dantes

Alice Dixson, nagsalita tungkol sa isyu tungkol sa paggamit ng 'Ang Probinsiyano' sa wedding picture nina Dingdong Dantes

- Nabigla si Alice Dixson tungkol sa isyu sa litratong ginamit sa kanyang eksena

- Hindi daw niya alam na wedding picture iyon nina Marian at Dingdong Dantes

- Kaya naman humingi siya ng dispensa kay DIngdong sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabigla umano ang aktres na si Alice Dixson nang malaman niyang ang photoshopped wedding photo nila ni Edu Manzano sa FPJ's Ang Probinsyano ay kuha sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Mag-asawa sila ni Edu sa teleserye. Sa isang eksena kung saan nakikita siyang umiiyak, napansin ng mga tagasuporta ng mag-asawang Dingdong at Marian ang pamilyar na picture ng mag-asawa.

Sa isang ulat ng Pep, napag-alaman ng KAMI na nagpadala ng personal na mensahe si ALice kay Dingdong.

“Oh! Hindi ko alam na picture nila yun.

Alam naman daw niya na edited iyon ngunit hindi niya alam na sina Dingdong at Marian iyon.

"Alam ko na-photoshop yung picture ng face namin ni Edu sa isang picture ng mag-asawang ikinasal.

“But I don’t know anything about kung sino yung pinalitan naming mukha. I hope there was no problem.”

Naiintindihan niya diumano ang naging reaksiyon ng mga tao at ni Dingdong at humingi siya ng dispensa dito.

“Oo, kahit naman ako masa-sadden ako. Pero ako, personally, I didn’t know that it was their photo.

"There was no trace of their faces or anything personal aside from siguro dun sa damit nila.”

Nagpadala din daw umano ng mensahe si Alice kay Dingdong.

“Humihingi ako ng paumanhin, Dong, if our production made a mistake like that.

“Kahit naman ako, if it was my wedding photo, ayoko naman gamitin ng ibang tao.

“If there’s other eksena na magagamit yun, I’ll make sure na they’ll do something about it.”

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin ang Kapuso Primetime king matapos makarating sa kanya ang paggamit ng walang pahintulot sa kanilang litrato. Ayon pa sa kanya, na offend daw siya at sana daw ay di na maulit ito.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel