Netizen, labis na nag-aalala sa pamilyang lakad mula Maynila hanggang Naga tulak ang karitong bahay nila

Netizen, labis na nag-aalala sa pamilyang lakad mula Maynila hanggang Naga tulak ang karitong bahay nila

- Isang pamilya ang matiyagang naglalakad mula Maynila patungong Naga

- Nakiusap ang netizen na si Albert Carlos na sana naman daw ay huwag nang gitgitin pa ng sasakyan ang mag-anak na lakad na at nagtutulak pa ng munting kariton na mukhang bahay

- Nadurog naman ang puso ng mga netizen at tinatag na nila ito sa mga programa sa telebisyon na maaring tumulong sa mag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatunaw talaga ng puso ang kalagayan ng mag-anak na kasalukuyang naglalakbay mula pa sa Maynila patungo ng Naga na naglalakad.

Nalaman ng KAMI na bukod sa sila ay naglalakad lamang, may tinutulak pa silang kariton na mukhang maliit na bahay lunan ang gamit at mga bata na kasama nila.

Isang netizen ang labis na nagmalasakit sa di pa nakikilalang pamilya. Ayon sa post ni Albert Carlos, sana naman daw ay huwag nang gitgitin pa ng mga driver ang mag-anak lalo na ng malalaking sasakyan.

Gaya ng naunang naibalita ng KAMI tungkol kay 'Lakbay wheelchair man', Dadaan at dadaan kasi talaga sa highway ang mag-anak kaya naman di maiiwasang makipagsabayan sila sa iba't ibang klaseng sasakyan.

Sa ilang larawan na binahagi ni Albert, makikita na may ilang nagmamalasakit na mamayan na abutan ng tulong ang mag-anak.

May nakasulat din kasi sa kariton na kanilang tinutulak na humihingi talaga sila ng tulong sa kanilang paglalakbay.

Ang ilan pa ay pagkain ang binibigay nang sa gayon ay di na raw maghanap pa ng makakainan ang mag-anak.

Habang sinusulat ang artikulong ito, nasa parteng Quezon na raw ang mga ito. Nangangahulugang halos nasa kalahati na ito ng tinatahak na destinasyon.

Samantala, walang ibang hangad ang mga netizen na nakakita ng sitwasyon ng mag-anak kundi ang matulungan na sila na makasakay na lamang patungo sa Naga. Ang karamihan pa sa mga netizen ay nai-tag na ang post ni Albert sa mga programa sa telebisyon na maaring makatulong sa mag-anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ai sana madami tulad mo Albert para help cla na maassist to have a safe travel back home.. KUDOS..."

" Sana marami tumulong sa kanila."

"Safe trip po...naway makarating kau ng maayos kahit nakaka pagod..."

"Sa sagutin ko na pamasahi nila hanggang Bikol diko Lang alam Kung saan ko ibibigay ang ipadadala Kong pera para sa kanila"

"Sna makarating kau nang maayos sa inyong pupuntahan at patnubayan kau nang ating amang may kapal..Gdbless sa inyong pag lalakbay..."

"God bless po s mga tumulong,naway poy makarating sila s kanilang pupuntahan ng ligtas at payapa,patnubayan sila n Lord"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel