Beauty Gonzalez balik Kapamilya pagkatapos mai-welcome bilang Kapuso sa Celebrity Buff

Beauty Gonzalez balik Kapamilya pagkatapos mai-welcome bilang Kapuso sa Celebrity Buff

- Pagkatapos ng dalawang buwan na mapakilala sa show ni Eugene Domingo na Celebrity Buff sa Kapuso network si Beauty Gonzalez ay tila balik Kapamilya ang aktres

- Nagulantang ang mga fans at ibang mga television viewers dahil sa nakakawindang na diumano'y pag-alis, pagdating, at pagbalik ng dating PBB housemate

- Tila ang kanyang TV appearance sa GMA-7 noong Hunyo ng 2018 ay mukhang una at huli dahil nakita muli ang aktres sa Kapamilya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maingay nga balita tungkol sa pagbabalik umano ni Beauty Gonzalez sa bakuran ng ABS-CBN, na una naming naispatan sa PEP.

Napag-alaman ng KAMI na ito ay pagkatapos maispatan sa bakuran ng GMA-7 noong June ngayong taon na nagguest sa Celebrity Buff na hosted by Eugene Domingo.

At sa nasabing TV appearance or guesting niya sa show, maririnig mo si Eugene na pinakilala siya bilang bagong Kapuso star kasama si David Licauco.

Siya ay gumanap sa isang lead role sa nasabing drama anthology ng Kapamilya noong August 11, saad pa sa balita.

Masaya at excited naman ang 27-year-old actress na ianunsyo ang nasabing acting moment niya sa MMK sa kanyang Instagram video story noong August 8, 2018.

Hindi napigilan ng mga fans na magreact tungkol dito.

"Akala ko kapuso na si beauty"
"Kapuso na sya diba bakit ng MMK @beauty_gonzalez"
"di ba lumipat na po si Beauty sa GMA???"

Ayon naman ng isang fan:

"Hawak sya ng VIVA so kahit saan sya.. mapa 2 or 7"

Ani naman ng media outlet, kung saan namin unang naispatan ang balitang ito, nagkaroon daw ng meeting si Beauty sa Kapuso executive pero diumano'y hindi pa daw siya nakatanggap ng exclusive contract sa GMA-7.

Ngayon daw, ang kanyang career ay minamanaged ni Arnold L. Vegafria.

Sa kanyang Wikipedia page, sinasabi na under na daw siya ng GMA Artist Center.

The best na gawin ay maghintay kung ano ba talaga ang sure na sure na tungkol sa karera ng dating PBB housemate.

Si Beauty Gonzalez ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus, at umappear sa isang teleserye pagkatapos.

Sumikat din siya sa mga roles na ginampanan niya sa teleserye show na Dream Dad at Pusong Ligaw.

Marami rami na din siyang ginawang guesting at appearances sa mga bigating teleserye sa Kapamilya.

Naging sikat na bestfriend din siya ni Toni Gonzaga sa 'Starting Over Again.'

POPULAR: Read more news about Beauty Gonzalez here

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check out the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel