Maputik ang bagong kasal! Kasalan sa Benguet, itinuloy kahit putikan ang lahat dahil sa matinding ulan

Maputik ang bagong kasal! Kasalan sa Benguet, itinuloy kahit putikan ang lahat dahil sa matinding ulan

- Walang nakahadlang sa kasalan nina Salen Cayamso at Monsour Mencio noong Sabbado, Agosto 11 kahit kasagsagan ito ng malakas na pag-ulan sa ating bansa

- Hirap man daw ang lahat dahil sa matinding putik, tinuring pa rin nila itong isang biyaya

- Swerte raw ang maulan na kasalan ayon sa groom na si Monsour na hango sa 'monsoon' ang pangalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang bagyo o baha ang nakahadlang sa pag-iisang dibdib nina Salen Cayamso at Monsour Mencio.

Nalaman ng KAMI na sa kabilang ng walang humpay na pag-ulan noong Sabado, Agosto 11 sa ating bansa, tinuloy pa rin ang kasalan nina Salen at Monsour.

Gaya ng naunang kwentong kasalan na naibalita ng KAMI, lumakad si Salen suot ang wedding gown sa putikan.

Kwento pa ni Salen, mabigat na raw ang gown dahil sa putik na namumuo sa laylayan nito.

"Yung sa paglakad ko, naputikan lahat 'yung gown, tapos mabigat 'yung gown, tsaka mahirap maglakad sa kaputikan," sabi ni Salen.

Makikita rin na sa halip na naka-balat na sapatos ang mga bisita at minabuti ng iba na mag-bota na.

Maputik ang bagong kasal! Kasalan sa Benguet, itinuloy kahit putikan ang lahat dahil sa matinding ulan

image: ABS-CBN news

Samantala, ayon naman sa groom ni Salen na si Monsour na hango pa ang pangalan sa 'monsoon' dahil pinanganak ito sa tag-ulan, swerte daw ang maulan na kasalan.

"Sa matatanda kasi dito 'pag umuulan daw 'yung kasal, magandang pamahiin, parang suwerte raw," paniniwala ni Monsour.

Kabilang sina Salen at Monsour sa katutubong katutubong Kankanaey na matindi ang paniniwala na walang humpay na biyaya ang matatamasa kung kinasal na umuulan.

Labis namang namangha ang mga netizen na nakakita ng mga larawan ng kasalan nina Salen at Monsour. Narito ang kanilang mga komento:

" Dapat lang na itinuloy na. Mahirap magpa schedule uli. Masasayang ang Gastos sa reception. Non refundable yata yon."

"Ito yong rain or shine ituloy ang kasal walang makakapigil....this is Love...."

"congrats rain or shine tuloy ang ligaya..God bless boths of you more blessings"

"Love coquers all.. best wishes!"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel