Sasabak muli! Kings' Art Dela Cruz balik court pagkatapos ng mahabang panahong pagpapagaling

Sasabak muli! Kings' Art Dela Cruz balik court pagkatapos ng mahabang panahong pagpapagaling

- Pagkatapos nga ng ilang buwan na pagpapagaling, ang forward ng Barangay Ginebra na si Art Dela Cruz ay inaasahang magbabalik na sa koponan

- Ayon pa sa sports balita na nasagap namin, pinaghahandaan na daw ng Gin Kings ang pagpasok muli ni Dela Cruz sa darating na PBA Governor's Cup

- Ito ay ayon umano kina Art Dela Cruz mismo at ang head coach ng Ginebra na si Tim Cone, at inaasahan na ilagay siya simula sa Oktubre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nakuha namin sa ABS-CBN Sports, pagkatapos ng mahabang pagpapahinga sa pagpagpapagaling ay inaasahan na babalik ang forward ng Barangay Ginebra na si Art Dela Cruz sa laro.

Ani ni Dela Cruz umano, noong Linggo ng hapon, sa victory party ng Gin Kings kasama ang mga tagahanga nila para sa kanilang pinakahuling tagumpay sa pagiging kampyeon:

"Sabi ni Coach [Tim Cone], middle of the conference. My goal is October, second week of October. But my focus right now is rehab nga, and then sabi rin sa akin ni Coach na this time, i-sure mo na 100% ka na. And loaded naman yung team so there's no hurry."

Dagdag naman ni coach Tim Cone, sa nakuhang balita ng KAMI mula sa sports news' source:

"He's due back maybe in October, but we'll see. We'll play it by ear by that time, we're not gonna push him."

Nasira umano ang Achilles tendon ni Art Dela Cruz sa isang practice ng Gilas Pilipinas noong Marso, ng isang taon, 2017.

Blackwater Elite pa siya noong panahon na iyon, ayon pa sa ulat.

Pero noong trinade siya sa Barangay Ginebra na kinabibilingan nina Chris Ellis, Raymond Aguilar, at Dave Marcelo noong Agosto, 2017, ay na re-injure umano niya ang kanyang tendon bago pa man siya mag-debut sa Gin Kings.

Ngayon, pagkatapos ng 17 months and counting , inaasahan na makakabalik na siya.

Saad naman ni Dela Cruz:

"Medyo matagal na. Talagang [n]aging patient lang ako, iniisip ko din 'yung long-term eh, hindi lang itong conference na ito."

Sa nasabing buwan ng kanyang pagpapahinga at pagpapagaling ay naging focused daw siya sa pagpapagaling ng kanyang injury at pag-intindi umano sa masusing sistem ng triangle defense ni coach Cone.

Sambit pa ng dating NCAA star:

"Learning na rin yung triangle sa akin. Actually, bago lang ako sa triangle, most of my career is run and gun sa college [San Beda] eh. Ito slow ball kaya maganda rin pag galing ka sa injury, di ka masyadong masusunog."

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check out the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel