Historical Balangiga bells ibabalik! Ito'y pagkatapos ng mahigit isang siglo mula sa pagkuha nito

Historical Balangiga bells ibabalik! Ito'y pagkatapos ng mahigit isang siglo mula sa pagkuha nito

- Headine ngayon ang pagkumpirma ng pagbabalik sa Balangiga bells sa pinagmulan nito sa Eastern Visayas, ang Samar

- Ito ay masaya din inanunsyo ng Philippine Ambassador to the United Nations Teddyboy Locsin, Jr. sa pamamagitan ng isang tweet kahapon, August 12, 2018, Linggo

- Ayon pa umano sa United States Embassy, ang U.S. defense department ay nagnanais na ibalik ang mga historical bells na ito pero walang petsa pang ibinigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na una naming nasagap sa CNN Philippines, pagkatapos ng mahigit isang siglo ay kinumpirma ng US embassay na ibabalik na umano ang historical Balangiga bells.

Dagdag pa ng nasabing balita na naispatan ng KAMI, ang makasaysayang kampanilya ng Balangiga, Samar ay ibabalik na din sa wakas pagkatapos ng mahigit isang daang dekada mula sa pagkuha nito noong 1901.

Ayon pa sa ulat ng source news, ang mga makasaysayang kampanilya ay kinuha umano ng American Forces mula sa simbahan sa Samar, sa lugar ng Balangiga sa panahon ng giyera na namamagitan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ang pagsasauli ay diumano'y kinumpurma ng spokesperson ng US Embassy na si Molly Koscina.

Ani niya daw, ang US Department of Defense ay nagnanais na isauli na ang mga nasabing historical bells.

Gayunpaman, wala pa raw eksaktong petsa ang naitakda, sa pagpapatuloy pa ng balita.

Ayon umano kay Koscina:

"We've received assurances that the Bells will be returned to the Catholic Church and treated with the respect and honor they deserve."

Ito naman ay ibinahagi ng Philippine Ambassador to the United Nations Teddyboy Locsin, Jr. sa kanyang official Twitter account ang tungkol rito.

Ani niya:

"My friend formerly of the CIA informs me we are getting back the Balangiga bells. Thank you Ambassador Nikki Haley. I told her about this last year, she worked on it. And now she got it for us. Thank you so much Mike. God bless America."

Ang Balanggiga bells ay tinagurian na "veterans memorial object" sa Amerika, gayunman, ang embahada ay kinikilala na ang mga ito ay nagdadala ng importanteng kahulugan sa parehong bansa.

Dagdag pa umano ni Koscina:

"We are aware that the Bells of Balangiga have deep significance for a number of people, both in the United States and in the Philippines."

Matatandaan na unang gumawa ng demand si Pangulong Rodrigo Duterte na isauli ang Balangiga bells sa pangalawang State of the Nation Address noong 2017, at sinabi din umano ng presidente na ang ito ay mga parte sa ating national heritage.

Ginagamit umano ang mga kampanilya para magbigay hudyat sa paglunsad ng sorpresang atake laban sa mga tropang Amerikano na nakabase sa Balagiga town sa Samar province noong September 28, 1901.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check out the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Coney Reyes proud of son Vico Sotto for finishing Master’s degree with honors

Coney Reyes proud of son Vico Sotto for finishing Master’s degree with honors

Coney Reyes proud of son Vico Sotto for finishing Master’s degree with honors
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel