Galing ng batang Pinoy! 3 mga estudyanteng Pilipino ang nag-uwi ng mataas na karangalan sa bansa

Galing ng batang Pinoy! 3 mga estudyanteng Pilipino ang nag-uwi ng mataas na karangalan sa bansa

- Sa diskarte, talento, at katalinuhan ay hindi naman maitatanggi ang likas na angking galing ng mga Pinoy

- Ito ay pinatunayan na naman sa pamamagitan ng isang internasyonal na paligsahan sa katalinuhan ng mga batang Pinoy na mag-aaral

- Ngayon, bumida ang tatlong mag-aaral sa iba't ibang eskwelehan o paaralan na nag-uwi ng mataas na karangalan sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na hatid ng ABS-CBN News tatlong mag-aaral na Pinoy ang bumida sa 49th International Physics Olympiad na ginanap sa Lisbon sa Portugal noong July 21 hanggang 29.

Ang mga Pilipino na mga estudyante ay nakapuntos ng podium finish sa nasabing internasyonal na kompetisyon sa katalinuhan.

Napag-alaman ng KAMI na ang tatlong mga estudyante Pinoy ay galing sa iba't ibang paaralan sa bansa.

At sila ay sina:

  • Steven Reyes ng St. Jude Catholic School

Nag-uwi siya ng silver medal sa naturang kompetisyon.

  • Mikhail Torio at Charles Bartolo ng Philippine Science High School sa Central Luzon

Ang dalawang mag-aaral ay parehong nakakuha rin ng bronze medal.

Dagdag pa sa balita na ang Philippine team ay nagtapos sa ika-3th place out of 87 participants, na siyang pinaka mataas na rank sa loob ng labintatlong mga kalahok.

Sa pagpapatuloy ng ulat, si Steven Reyes ng St. Jude Catholic School ay nagrank sa 88th place.

Habang si Mikhail Torio ng Philippine Science High School ay nakatungtong sa ika-68th place.

At si Charles Bartolo na galin din sa Philippine Science High School sa Central Luzon ay nagrank sa 58th percentile sa 396 na delegado ng kompetisyon.

Ang nasabing kompetisyon ay hinamon ang mga kalahok sa paper transistors at sa viscoelastic properties ng polymer thread para sa experimental exam, at detection ng gravitational waves at ang "physic of blood flow" at tumor growth para sa theoretical exam.

Galing ng batang Pinoy! 3 mga estudyanteng Pilipino ang nag-uwi ng mataas na karangalan sa bansa
Credit: ABS-CBN News/ Handout

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check out the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin