Ayaw talaga ibalik! Chinese businessman bumalik kay idol Raffy upang tuluyang mabawi ang mamahaling mga gamit na binigay niya

Ayaw talaga ibalik! Chinese businessman bumalik kay idol Raffy upang tuluyang mabawi ang mamahaling mga gamit na binigay niya

- Naging viral ang pagdulog ng businessman na si Ice sa programa ni Raffy Tulfo

- Ibinahagi niya na naibalik na sa kanya ang isang kotse, ang Kia Picanto

- Gayunpaman, magkorte na lang daw sila dahil ayaw nila ibalik yung ibang gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May part 2 pa pala ang pinag-uusapang video ng pagdulog ng businessman na si Ice sa programa ni idol Raffy. Ito ay matapos magmatigas ng kabilang kampo na ibalik ang iba pa umanong gamit na ibinigay ni Ice sa dating nobya.

Gayunpaman, naisoli na umano sa kanya ang Kia Picanto. Kasama niyang pumunta sa programa ni Raffy ang kanyang dating classmate dahil baka raw mangailangan siya ng abogado.

Nakausap naman daw ni Raffy ang kapatid ni Arianne na si Erika. Nagmatigas daw ito at nagsabing hindi daw nila isosoli ang ibang gamit kahit anong mangyari at magkorte na lang. Ito daw ay dahil natuklasan nilang ang perang pinambili ng mga binigay ni Ice ay galing umano sa nakaw.

Kaya naman inisa isa ng businessman ang diumano'y family businesses nila kagaya ng garments, embroidery saka sock factory sa China.

Nilinaw niya rin na wala dw siyang ginagawang ilegal. Dagdag naman daw ni Raffy, mas kailangan daw isoli nila kung totoong nakaw. Sagot daw sa kanya ay pag-iisipan daw niya.

May ibinahagi ding batas si Raffy na hindi pa naamyendahan kaya applicable parin daw. Ang batas 1950 article 748 daw ay nagsasaad na Kahit anong regalo na movable na nagkakahalaga ng more than 5,000 ay kailangan may kasulatan na nagpapatunay na ibinibigay ang isang bagay bilang regalo o donation at kung wala daw nun ay maituturing na null and void ang pagbibigay.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Ice sa lahat ng nanliligaw na kagaya niya na galante. Gayun din sa mga magulang ni Arianne. Humingi siya ng paumanhin na kailangan nilang umabot sa ganoong sitwasyon.

Mapapanood ang buong video dito.

Matatandaang nagkausap na rin ang magkabilang kampo nang unang dumulog sa programa si Ice. Si Monica Arianne Rivera ay nag-aaral sa De La Salle University at varsity player ito ng badminton.

Binigyan niya raw ito ng dalawang kotse - Suzuki Ertiga at Kia Picanto at saka dalawang mamahaling relo (Rolex at Tudor).

Hindi lang nagtatapos dito dahil may Louis Vuitton necklace, may Pandora at pati pera.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel