Babae na nasa Ocean park, ginawang damit ang plastik bag ng SM Hypermarket

Babae na nasa Ocean park, ginawang damit ang plastik bag ng SM Hypermarket

- Agaw eksena ngayon ang post ni Jerwyn Buenaventura kung saan binahagi niya ang larawan ng kaibigang si Angelie janelle Orleans na ginawang damit ang plastic bag ng SM Hypermarket

- Nag-viral ang post dahil na rin sa caption nitong napapanahon na “Who are you wearing today”

- Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post ni Jerwyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kagustuhang huwag mabasa ang totoong ‘ootd’ ng netizen na si Angelie Janelle Orleans, naisipan niyang gawing sando ang plastic bag ng SM Hypermarket.

Nalaman ng KAMI na binahagi ng kaibigan ni Angelie na si Jerwyn Buenaventura ang larawan ng fashionistang kaibigan na agad namang nag-viral dahil sa kakaibang konsepto nito.

Nilagay pa ni Jerwun na caption ang laging tanong ng mga fashion publications na “Who are you wearing today?” Na sinagot naman ni Angelie na “Henry Sy”

Si Henry Sy ang isa sa pinakamayaman sa ating banasa na nagma-may-ari ng SM (Shoemart). Mayroon na ring SM sa China.

Suot ni Angelie ang green grocery bag ng SM supermarket na tila ba ay parang sinukat sa kanya. Ginupit lamang ni Angelie ang ibabang bahagi ng plastic bag para ito ay kanyang maisuot.

Tinernohan niya ito ng red na track pants at sunnies.

Ayon sa ulan ng Yahoo, ginawa ito ni Angelie upang protektahan ang kanyang damit dahil sila ay sasakay sa The Rapids sa Ocean Park sa HongKong.

Ayaw di umanong mabasa ni Angelie ang kanyang outfit ng araw na iyon kaya naisipan niya itong gawin.

Dapat pa nga raw ay sa sapatos ito gagamitin ni Angelie ngunit sa payat naman siya, nagkasya ang plastic bag na parang sando niya talaga.

Samantala, umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ang iba, hinamon din ang kanilang kaibigan na gawin nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"for sure kukunin si AJ model ng SM. Hahahah get ready sa pagiging PA mo"

"gusto ko nito!!! Hahaha"

"Bet ko to hypermarket"

" mas ok na magkabag outfit hahahaha"

"ganda crop top!!"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata

Nag-react! Mga tatay ng TNT boys, nagsalita na sa komentong 'malambot' ang 3 bata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel