Shoplifters, nakuha pang mag-selfie habang papunta sa susunod na pagnanakawan na mall

Shoplifters, nakuha pang mag-selfie habang papunta sa susunod na pagnanakawan na mall

- Mga shoplifters, nakuha pang mag-selfie habang papunta sa pagnanakawan nila

- Nahuli ang mga batikang shoplifters ng Malolos, Bulacan

- 3 pa ang nakatakas sa kanilang mga kasama at magsasagawa ng follow up operation dito upang mahanap ang mastermind

Sinira na ng Caloocan city Police ang pinto ng tinitirahan ng magkalive-in na sina Shirley Zamora at Joel Medios dahil ayaw di umano nilang buksan ito.

Nalaman ng KAMI na suspek ang dalawa sa iba’t ibang shoplifting na nagaganap sa mga mall.

Una raw lumabas si Shirley na mariing tinatanggi ang akusasyon sa kanila kahit pa sila ang tinuturo ng kanilang kasama na si Mark Solon na kasama rin nila sa naganap na pagnanakaw isang araw bago sila pasukuin ng awtoridad.

Ayon sam ga pulis, nakuha pang mag-selfie ng grupo nina Shirley habang papunta sila sa pagnanakawang mall kahapon.

Habang kinakausap ni Sherly ang saleslady sa mall ay unti-unti nang sinisilid ng kanyang mga kasama ang mga damit sa bag.

Hinahanapan daw ang grupong ito ng resibo sapagkat may hinala na ang bisor ng pinagnanakawan nila na sa tuwing pumupunta ang grupong ito ay may nawawala.

Anim na beses lamang daw nila nakasama si Mark na siyang look out lamang daw ng grupo. Ngunit giit ni Shirley, si Mark naman daw ang nagtatago ng mga nakulimbat na damit.

Umabot na raw ang operasyon ng grupo sa Metro Manila at maging sa Lucena City.

Inaalam pa ng mga puli sang profile ng bawat suspek at kung saan pang partikular na lugar ang kanilang nabiktima.

Umabot daw sa PHP20,000 ang halaga ng mga branded na damit na kanilang nanakaw. Sa ngayon, pinaghahanap pa ng Malolos Police Station ang 3 nakatakas nilang mga kasama.

Magsasawa ng follow-up operation ang mga pulis lalo na sa paghahanap ng utak ng operasyon ng grupo na siya rin daw pinagbabagsakan ng mga ninakaw na damit ng mga shoplifters.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel