Babaeng nakapila lang sa terminal ng UV express sa North Edsa, muntik makulam

Babaeng nakapila lang sa terminal ng UV express sa North Edsa, muntik makulam

-Nag-viral ang kwento ng karanasan ni Grace Mendoza kung saan binahagi niya na muntik na siyang makulam habang nasa pila pasakay ng UV express

- Inalok daw siya ng isang babae ng mga religious items at nang siya ay tumanggi nagsabi ito na tatapikin nalamang siya nito na alam ni Grace na isang uri ng kulam

- Kinilabutan ang mga netizen sa nasabing kwento ngunit humanga rin si Grace sa pagpapakita na mas malakas ang pananampalataya niya kaysa sa ‘black magic’ na gagawin sana sa kanya ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapangingilabot ang kwento ng facebook user na si Grace Mendoza kung saan muntik na raw siya di umanong makulam habang nag-aabang ng UV Express terminal sa labas ng SM City North Edsa bandang alas sais ng gabi.

Nalaman ng KAMI na nasa pila si Grace nang lapitan siya ng babaeng nagtitinda eskapularyo at iba pang religious items daw ng mga katoliko at inalok siyang bumili. Tulong na lamang daw ito ni Grace sa anak ng babae na mayroong dengue.

Tumanggi si Grace dahil naibigay na raw niya ang sobra niyang pera sa mga dumaang namalimos at nangakong bibili na lamang sa susunod.

Babaeng nakapila lang sa terminal ng UV express sa North Edsa, nakulam

source: supplied

Nang tumanggi si Grace, sinabi ng babae kung maari na lamang daw siyang tapikin nito. At bago pa man makaresponde si Grace ay tinapik na di umano siya ng babae.

Labis na naalarma si Grace dahil naalala niya ang minsang naikwento sa kanya ng kanyang ama na isang uri ng pangungulam ang pagtapik ng di kilalang tao.

Agad naman tinapik ni Grace ang babae upang kahit paano daw ay maibalik ang kulam.

Babaeng nakapila lang sa terminal ng UV express sa North Edsa, nakulam

source: supplied

Nang maisip daw ng babae ang ginawa ni Gracesinabihan siya nito na laking Quiapo daw siya at kukulamin siya nito at mamatay siya ng maaga.

Nang mapansin ni Grace na tila may binibigkas nang kakaibang salita ang babae, Nag-krus na siya at sinabayan niya ito ng dasal. Sa ganito raw paraan, maipakita niya na mas matindi ang pananampalataya niya kaysa kung anuman ang ginagawang kulam sa kanya ng babae.

Matapos ang insidente, lumapit na sa magtatawas si Grace at sinabing bumalik na sa babae ang ginawang pangungulam nito sa kanya.

Babaeng nakapila lang sa terminal ng UV express sa North Edsa, nakulam

source: supplied

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel