Na miss ang fiance! Nathalie Heart, ibinalandra na ang Indian boyfriend sa social media

Na miss ang fiance! Nathalie Heart, ibinalandra na ang Indian boyfriend sa social media

- Kasabay ng pagbunyag ni Nathalie Hart ng kanyang pagbubuntis, ipinakilala na rin niya ang kanyang fiance

- Ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala

- Sa isang Instagram post ng aktres, na miss niya na daw umano ang kanyang fiance sabay bahagi ng larawan nilang magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag ni Nathalie Hart ang pagka miss sa boyfriend sa pamamagitan ng pagpost ng litrato nilang magkasama sa Instagram.

Kung dati ay wala halos makitang litrato ng kanyang Indian boyfriend sa kanyang Instagram, ngayon ay tila malaya at proud na itong ibinahagi ng aktres lalo at ibinunyag niya na ang kanyang pagdadalang tao.

Marami ang nagulat sa pasabog ni Nathalie Hart tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang kanyang fiance na si Mayank Sharma ay isang Indian mula sa New Delhi, India.

Nagtatrabaho si Mayank sa real estate business ng kanyang ama sa India.

Mas matanda ng isang taon si Nathalie sa kanyang fiance na ngayon ay 25 taong gulang.

Nagkakilala sila noong December 2017 sa isang kasalan.

“Birthday pa niya. Na-meet ko siya sa wedding sa India, kaklase ko.

"Yung kapatid niya, best friend nung ikakasal," pagbabalik-tanaw ng aktres.

Ayon pa kay Nathalie, sila ay pitong buwan nang magkarelasyon.

Noong malaman niyang siya ay nagdadalangtao, nasa India umano ang nobyo ngunit kausap niya ito sa telepono.

“Bumalik siya sa India kasi he’s staying here, kasi meron kaming online shopping na ano…

“So, papunta ako sa doktor [after her pregnancy kit tests], tinatawagan ko siya, kung ano ang ginagawa ko sa doctor… Every stage, tinatawagan ko siya.

Dahil sa pagkabigla ay naitanong niya umano sa boyfriend kung ano na mangyayari dahil sa nangyari.

“’Tapos sabi ko nga, ‘I’m pregnant, what’s gonna happen?’

“Sabi niya, ‘Then we’re having a baby!’

“Parang sa kanya, ‘Then we’re having a baby!’

Marami siyang iniisip kaya siya nag-alala noong una.

“Ako naman, wala pa kaming bahay together, my career… ano ba?! Siyempre babae kasi mas maraming worries.”

Gayunpaman, hindi daw pumasok sa isipan niya na huwag ituloy ang pagbubuntis.

“Never, never pumasok sa isip ko ‘yan. I am just very happy na magkakaroon ako ng baby.

May takot man siyang naramdaman, iniisip ni Nathalie ang bubuuin nilang pamilya.

“Although nakakatakot pa rin na ito na ito na ang stage sa buhay ko. Hindi lang ako yung iisipin ko ngayon, my future husband, my daughter.”

Sa singkamas at sa pinya raw naglilihi ngayon si Nathalie.

Apat naman daw ang gustong maging anak ng fiance niya. Ayon pa kay Nathalie, pareho naman daw tuwang-tuwa at excited ang pamilya ni Nathalie at pamilya ni Mayank sa kanilang nalalapit na kasal at sa kanilang future baby.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown

She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown

She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe crown
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel