Mas mahal pa sa gasoline station! Kris Aquino, bonggang-bongga sa kanyang multi-million-peso accessories

Mas mahal pa sa gasoline station! Kris Aquino, bonggang-bongga sa kanyang multi-million-peso accessories

- Isa sa naging pinaka pinag-usapan sa world premiere ng Crazy Rich Asians si Kris Aquino

- Bukod kasi sa dami ng Pilipinong nagpakita sa kanya ng suporta sa labas ng venue, nag stand out din ang kanyang gown

- Bonggang-bongga din ang alahas niyang di umano ay mas mahal pa sa presyo ng isang gasoline station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa naging pinaka pinag-usapan sa world premiere ng Crazy Rich Asians sa TCL Chinese Theatre si Kris Aquino.

Agaw pansin ang kanyang gown ni dinisenyo ni Michael Leyva. Gayundin ang suot niyang mga alahas na ayon sa ulat ng Push, ay mas mahal pa ang presyo sa gasoline station.

Humiram sila ng alahas sa Cebu-based Diagold jewelry.

Ang hikaw naman na may sapphires at diamonds ay binili mismo ni Kris.

Ang kanyang kuwintas naman ay may 51.41 carats heart-shaped diamonds.

"Inspired by the beauty of a waterfall, the Fervenza necklace shows a cascading 51.41 ct heart-shaped diamonds in 18k white gold that covers the chest, using the hardest substance on Earth as a design to seemingly protect the delicateness of the real heart inside."

Kinabahan pa umano ang manager ni Kris nang matanggap niya ang alahas at malamang kayang makabili ng isang gasoline station ang halaga nun.

"He was so nervous because a jewelry store that we're affiliated with sent him...They chose to match the gowns but he had to sign for it.

"And I said, 'Thank God, I'm not the one signing for it...' Because when he looked at it, he said, 'This is my investment in my gas station.'"

Nilinaw ni Kris na hindi sa kanya ang alahas.

"Pinahiram lang so kailangan talaga masoli nang buong-buo or else hindi na siya makakabalik."

Isa din sa isinuot niya ay ang Patek Philippe Twenty∼4, isang relo na tadtad ng diyamante plus 32 princess-cut diamonds, plus 986 diamonds set sa bracelet nito bracelet and clasp.

Ang retail price umano nito ay $183,500 o PHP9,739,170.75.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens

Calvin Abueva, napa-private ng Instagram dahil sa sobrang pangba-bash ng netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel