OFW, nabibiyaan ng mga designer bags at malaking halaga ng employer

OFW, nabibiyaan ng mga designer bags at malaking halaga ng employer

- Napaka-swerte sa employer ng OFW na si Mhai San Pedro

- Sa loob lamang ng walong buwang paninilbihan sa amo ay nabiyayaan na ito ng mga mamahaling gamit

- Bukod sa mga mamahaling bag, may allowance pa si Mhai, dahilan para maipaayos niya ang kanyang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayon ng dumarami na ang mga kwentong OFW na may mga di magagandang karanasan sa kanilang amo, masasabing napaka-swerte na ni Mhai San Pedro.

Nalaman ng KAMI na walong buwan pa lang na naninilbihan si Mhai sa kanyang mga amo na arabo ngunit tila nakagaanan na niya ito ng loob.

Sa maiksing panahon na iyon nakatanggap na siya ng mga mamahaling bag at sapatos na di basta bastang maibibigay ng ibang amo.

Burberry, Michael Kors, Tory Burch, at Gucci ang ilan sa mga tatak ng mga mamahaling gamit na naibigay sa kanyan ng kanyang amo.

Matinding sakripisyo ang ginagawa ni Mhai dahil isa sa pinakamalaking gastusin niya ay ang pagpapagamot sa bunso niyang anak na mayroong pulmonary disease. Nalubog sa utang si Mhai sa pagpapagamot sa anak. Ito rin ang dahilan kaya siya ay nag-abroad.

Bukod sa mga mamahaling bag at sapatos, napakalaki ng naitutulong ng amo ni Mhai sa pagpapagamot niya ng anak. Katunayan, isang beses na naisugod nang wala sa oras ang bunsong anak niya, nag-ambagan pa talaga ang pamilya at kaanak ng amo niya para lamang mabigyan ng tulong pinansyal si Mhai.

Di akalain ni Mhai na magagawa iyon ng pamilya ng kanyang amo na napakabuti raw sa kanya.

Maliban sa kanyang sahod at nakakatuwaan pa siyang bigyan ng allowance ng kanyang amo. Ito na ngayon ang ginagamit ni Mhai na pampagawa ng bahay na matagal na niyang pinapangarap.

Labis na pinagbubuti ni Mhai ang kanyang pagtatrabaho at pagseserbisyo sa pamilya ng kanyang mga amo dahil ito lang daw ang maaari niyang isukli sa mga kabutihang naipakita ng mga ito sa kanya.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel