Sarah Geronimo, nag-fan mode sa rehearsal nila ni Regine Velasquez

Sarah Geronimo, nag-fan mode sa rehearsal nila ni Regine Velasquez

- Fan-mode si Sarah Geronimo sa isang rehearsal nila ni Regine Velasquez para sa isang pribadong event

- Viral ang video kung saan makikitang tuwang tuwa si Sarah habang nakikipag-duet sa kanyang tinururing na idolo na si Regine

- Maging ang mga fans nila ay tuwang tuwa sa reaksyon ng Popstar royalty sa Asia's Songbird

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Joever Hamoy Banquisio video kung saan makikitang 'fan girl' moment si Sarah Geronimo sa nag-iisang Asia's Songbird Regine Velasquez.

Nalaman ng KAMI na ang video ay kuha sa isang rehearsal ng dalawa para sa isang pribadong event kung saan sila ay magtatanghal.

Nakakatuwang tingnan na habang nag-eensayo ang dalawa, makikita ang tila kilig ni Sarah habang ka-duet si Regine.

Patunay ito na bagaman at halos nakikipagsabayan na si Sarah sa kanyang idolo ay di pa rin nawawala ang pagiging 'fan girl' nito sa Asia's songbird.

Makikita rin na nanumbalik na talaga ang sigla ng Popstar princess mula sa kontrobersiya na kina harap niya sa US show niya noong Abril na naiulat din ng KAMI.

POPULAR: Read more news about Sarah Geronimo

Samantala, tuwang tuwa rin ang mga fans at ibang netizens sa kakulitan ni Sarah sa video.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Galing Galing nilang dalawaaaaaaa"

"I'm so happy for you..."

"Grabe, sikat na rin siya pero puma-fan girl parin sa idol niya! cute!"

"Wow ohh wow i love you both my idol"

"Di parin nakalimot si Sarah kay Regine"

"Walang full vid nito? Kakaiyak na nakakakalabog ng dibdib"

"Galing ni sarah dito at alam nyo kung bakit kasi napasmile ang lola Reg nyo. Clap clap clap!"

Produkto si Sarah Geronimo ng "Star for a night" noong 2003 kung saan siya tinanghal na Gran Champion.

Maaalalang si Regine ang host ng naturang programa.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel