Anak ng OFW, pambato ang pancit at adobo sa Masterchef US

Anak ng OFW, pambato ang pancit at adobo sa Masterchef US

- Pasok ang purong Pilipino na si Ralph Xavier Degala sa top 13 ng prestihiyosong cooking show na Masterchef US

- Pambato ni Ralph ang mga sangkap ng paborito ng mga Pinoy na adobo at pancit

- Bagaman at naninirahan na ngayon sa Amerika, di pa rin nawawal ang kulturang Pinoy ni Ralph lalo na pagdating sa pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pasok sa top 13 ng reality cooking show ng Masterchef US ang Pinoy na si Ralph Xavier Degala.

Nalaman ng KAMI na isang senior accountant si Ralph at proud na sabihing anak siya ng dating OFW.

Purong Pilipino si Ralph kaya naman nang naisipan niyang sumali sa Masterchef US, naisipan niyang gamitin ang pancit at adobo bilang pambato sa prestihiyosong cooking show.

Masasabing malaki ang impluwensiya ng kanyang pamilya pagdating sa mga pagkaing kanyang niluluto.

Bago pa man siya makapasok sa ika-siyam na season ng Masterchef US, nagpo-post na si Ralph ng mga video ng pagluluto ng Filipino dishes sa Youtube.

Kaya naman naisip niya ang pansit, manok at hipon na gamitin para sa kanyang audition dish sa Masterchef.

"You had one dish to really represent yourself. I was going to do a Filipino dish and picked pancit because it was doable in 30 minutes, but also it was one of the first dishes my dad taught me how to make. It also represents a long and prosperous life in the Filipino culture so I chose this one!," kwento ni Ralph sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news.

Mismong ang batikang chef ng programa na si Chef Gordon Ramsay ang nagsabi na "delicious" daw ang hipon sa pancit ni Ralph, ngunit sapat na rawa ba ito para mabigyan siya ng apron na siyang hudyat ng pagpasok niya sa Masterchef US.

Komento naman ng isa pang chef na si Aaron Sanchez napakaganda raw ng pagkaka-"seasoned" ng pancit na puno ng garlic at lemon. ""What's not to like?," wika pa niya.

Ngunit, si chef Joe Bastianich ang napukaw sa pancit ng pinoy kaya naman binigyan niya ng apron si Ralph. "You and me might have a future," wika niya.

Samantala, 2 team challenges na ang naipanalo ni Ralph sa kompetisyon.

Bukod sa timpla at lasang Pinoy, may dating na Mediterranean at Southeast Asian din ang iba sa kanyang lutuin.

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel