Bride na hinatid ng amang nasa stretcher patungong altar, pumukaw sa puso ng mga netizens

Bride na hinatid ng amang nasa stretcher patungong altar, pumukaw sa puso ng mga netizens

- Binahagi ng Law Tapalla Photography ang larawan ng bride na hinatid ng ama na nakahiga na sa stretcher

- Maraming netizens ang labis na naantig sa larawan

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon na karamihan ay tungkol sa pagmamahal ng ama sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang napaka-powerful na larawan ng isang bride kung saan kapit kamay itong hinahatid ng kanyang ina at ama na nakahiga na sa isang stretcher.

Makikitang di naging hadlang ang kung anumang karamdaman ng ama para maihatid lamang ang kanyang anak sa altar sa pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay.

Nalamang ng KAMI na punung puno ng emosyon ng larawan na talagang di mo maiiwasang maluha at maisi ang iyong mga magulang partikular na ang iyong ama dahil dito.

Nakalagay na caption sa post ng Law Tapalla Photography ang "A Father's Love" kung saan kitang kita naman talaga ang pagmamahal ng ama sa anak at gayundin ang bride sa kanyang ama.

Sa larawan, bukod sa mga kumukuha ng mahalagang tagpo na ito, mapapansin din ang ilang bisita na naluha na marahil sa tindi ng emosyon sa simbahan ng mga oras na iyon.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang larawan at talagang dama rin ng mga netizen ang tindi ng emosyon ng viral post. Narito ang kanilang mga komento:

"Grabe, nakakaiyak"

"Sobra sobra emosyon, napatext ako sa daddy nung makita ko to"

"So blessed!"

"God bless your dad, mahal na mahal ka niya"

"I cried, isang tingin pa lang antindi ng love and emotion ng pic na to!"

How do single people live? Do they suffer from loneliness, or are they truly happy without a romantic relationship? Netizens Speak Up: What Is It Like To Be Single? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates

Netizens, aliw na aliw sa internet memes na introduction daw ng Ms. Universe candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel