Political blogger na si Francis Baraan IV, sinabing hindi raw tunay na Kristiyano si Manny Pacquiao!
- Trending ngayon sa social media ang Tweet ng isang sikat na political blogger na si Francis Baraan IV dahil sa kanyang saloobin ukol sa political stance ni Sen. Manny Pacquiao
- Ayon sa kanya, magkakasalungat ang mga bagay na sinusuportahan ng senador at tahimik daw ito patungkol sa ibang usapin gaya ng LGBT rights
- Bumuhos naman ang suporta ng netizens sa blogger matapos nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Gumawa ng matinding ingay sa social media ngayon ang isang sikat na political blogger na si Francis Baraan IV dahil sa kanyang matapang na pahayag laban sa pambansang kamao na si Sen. Manny Pacquiao.
Nalaman ng KAMI ang tungkol sa isyu dahil sa kanyang matinding patama sa Twitter bunsod ng sunud-sunod na isyung ipinukol sa kay pangulong Rodrigo Duterte na siya namang mas sinusuportahan daw ng senador.
Aniya, mas suportado pa raw ni Pacquiao ang kabi-kabilang patayan na nagaganap sa bansa, pati na rin ang programa ng kasalukuyang administrayong Duterte kaysa sa karapatang pantao at karapatang ng LGBTQ community.
Dagdag pa niya, mas isisnusulong pa raw ni Sen. Manny Pacquiao ang muling pagsasabatas ng capital punishment sa bansa o ang death penalty.
Sa kanyang huling pahayag, nang-uyam pa ito sa senador at sinabing ipokrito raw ang pambansang kamao. Narito ang kanyang buong pahayag:
Narito naman ang naging tugon ng netizens sa tweet ni Baraan IV:
Sa nakaraang ulat ng KAMI, nilampaso rin ng isang blogger at publicist na si Eric John Salut matapos ang panalo ni Pacquiao laban kay Matthysse.
POPULAR: Read more related stuff about Manny Pacquiao right here!
In this episode of the Philippines Social Experiment, Javen will harass his female friend in different public places. How will people react to a woman suffering harassment in front of them? Will someone try to stop Javen? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!
Source: KAMI.com.gh