Helicopter ng PNP, nagpalipad ng mga tent at pinataob ang isang higanteng LED screen!

Helicopter ng PNP, nagpalipad ng mga tent at pinataob ang isang higanteng LED screen!

- Nagsitayuan at takbuhan ang kapulisan habang nakamatyag sa mga lumipad na tent na ginamit para sa kanilang 117th PNP anniversary nitong Miyerkules

- Bukod pa rito, ay nagpataob din ang bagong P435 milyong helicopter ng ginamit na higanteng LED screen para sa event

- Anila, masyado raw mababa ang pagpapalipad sa chopper at dahil dito ay naging viral ang mga kumalat na larawan mula sa isang pahayagan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang bagong helicpoter ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P435 milyon na nagpataob sa isang higanteng LED screen at naglalakihang mga tent sa katatapos lang na 117th PNP Anniversary nitong Miyerkules.

Nabalitaan ng KAMI ang naturang pangyayari nang kumalat ang mga larawan sa social media kung paano pinalipad ang mga malalaking tent at LED at tinakot ang napakaraming kapulisan na nakaupo sa mga mono bloc na upuan.

Anila, masyado raw mababa ang pagpapalipad ng hindi pa nakikilalang piloto ng chopper, kung kaya't hindi nakapagtataka na hinangin ang LED at mga tent dahil sa lakas ng ikot ng propeller nito.

Makikita rin sa mga larawan ang agad na pagpanic ng kapulisan na nakaupo habang pinanonood ang programa ng kanilang event.

Ang nasabing post ay nagmula sa Facebook page ng Philippine Star, at nang mai-upload ang mga larawan ay agad naman naging viral ito. Bumenta naman ang post sa netizens na nagbiro pa sa kanilang mga komento:

"Yayayayyyy.. parang waki lang. its more fun in pinas."

"The best and the brightest talaga!"

"Nag selfie sila para maiba naman daw kayo talaga advance mag isip"

"Who the hell planned the whole program? Dios mi! Di nag-isip."

"Kung nag drone nlng kayo edi wala sanang aberya.. pasikat kasi ayan."

In this episode of the Philippines Social Experiment, Javen will harass his female friend in different public places. How will people react to a woman suffering harassment in front of them? Will someone try to stop Javen? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na

12-anyos na naturukan ng Dengvaxia, pumanaw; ika-96 na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel