Video ng batang pumapasok ng naka-unicycle, umabot na sa isang milyon na views

Video ng batang pumapasok ng naka-unicycle, umabot na sa isang milyon na views

- Labis na namangha ang mga netizens sa video ng batang lalaking pumapasok ng naka-unicycle

- In-upload ng netizen na si Alan Imbo Panday ang video ng Grade 2 student na taga Trese Martires Cavite

- Umabot na ng 1.5 milyon na views ang mga video dahil sa tinuturing nilang talento na ito ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa socmed ang nakamamanghang video ng isang batang lalaki na pumapasok na nakasakay sa kanyang unicycle.

Nalaman ng KAMI na binahagi ng facebook user na si Alan Imbo Panday ang video ng bata na nakilalang si Schwarzenegger Balasan na taga Brgy. Conchu, Trese Martires Cavite. Grade 2 na ang pitong taong gulang na kitang kita na nag-eenjoy sa kanyang pagpasok sa paaralan.

Nakakatuwang pagmasdan ang bata na tila walang kahirap hirap ang pagsakay ng kanyang unicycle namaituturing na talagang isang talento.

Dumadaan pa sa malubak na daan ang bata ngunit di pa rin ito alintana sa kanya. Makikitang naka-bag pa ang bata ngunit kuha pa rin nito ang kanyang balanse sa kanyang pagsakay ng kakaibang bisikleta.

Sa panayanm ng ABS-CBN sa nag-upload ng video, nai-kwento nito na nagbibisikleta rin siya nang makita niya ang bata kaya talaga namang napa-wow siya sa galing nito.

"First time pa [lang] po ako nakakita ng ganoong talento, sobrang mangha ko po sa kaniya," ani Alan.

"Natutuwa ako lalo na sa bata [kasi] napansin 'yong talento niya at marami na ngayon ang napahanga niya," dagdag pa ni Alan dahil sa umabot na ng mahigit 1.5 milyon na views ang video na naka-post sa kanyang facebook.

Samantala, labis din na namangha ang mga netizens dahil talaga namang kakaiba ang kakayahan ng batang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Uso na yan single tire na bike marami Ng gumagamet ng ganyan.but salute to that little boy napaka brave nya kung paano ibalance ang sarili sa single tire bike."

"Totoy ingat ka palagi sa araw araw ha mga mamang drivers iwasan nyo lagi ang batang yan naantig ang puso ko sa batang yan kahawig pa ng apo ko GOD BLESS U TOTOY ingat lagi"

"nkktakot my mga malalaking sskyan syng ksabay at kasalubong, please take good care and God bless you boy"

"Hindi ko alam kong ano itong naramdaman ko sa batang ito wala akong sawang paulit ulit na pinapanood ang vedio nya"

"Sana palagi ka gabayan ng guardian angel mo tuwing papasok at uuwi ka sa bahay mo...Lord, please spare and protect this little boy from harm always...."

"nakakAawa nakakaiyak kc sa sobrang gling humanga tlga ako sa batang ito nakakatuwa"

"Grabe kakabilib na bata! Lord protect him always and avoid from accident! Godbless you little wonder boy!!!"

"Dapat my helmet po cya for protection lang sa bata"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel