JM De Guzman, nagpaabot ng mensahe sa matalik na kaibigan na si CJ Ramos

JM De Guzman, nagpaabot ng mensahe sa matalik na kaibigan na si CJ Ramos

- Binahagi ng ina ni CJ Ramos na si Connie Ramos ang pagpapaabot ng suporta ni JM De Guzman kay CJ

- May balak pa raw dumalaw ang Kapamilya aktor sa matalik na kaibigan

- Nakalaya na ang dating child actor mula sa 9 na araw na pagkakakulong sa Caloocan City Jail

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam ng PEP si Connie Ocampo, ang ina ng dating child actor na si CJ Ramos. Naging emosyonal ito sa pagbabahagi ng kanilang naging kalbaryo sa pagkakahuli ng kanyang anak na si CJ.

Nalaman ng KAMI na nakalaya na ang aktor, Agosto 9 nang makapagpiyansa ito ng halagang ₱200,000.

JM De Guzman, nagpaabot ng suporta sa matalik na kaibigan na si CJ Ramos

image: PEP

Ayon sa ina ni CJ, nagpaabot ng suporta ang matalik na kaibigan ni CJ na si JM De Guzman.

Una raw nagngumusta ang Kapamilya aktor sa ina ni CJ upang makibalita sa mga kaganapan sa pagkakahuli sa dating child actor.

“Si JM baka pupunta bukas [August 9]. Siya ang unang [nag-reach out], ‘Tita, kamusta na?’

Sabi pa ni Connie, balak daw dalawin ni JM si CJ upang siya mismo ang mangumusta sa aktor.

Bukod kay JM marami ring siyang natanggap na mensahe mula sa mga kaibigan ni CJ sa industriya.

Nauna nang naibalita ng KAMI na nakalaya na ang aktor at kasalukuyan na itong namamahinga sa kanilang tahanan.

Nabanggit din ng ina ni CJ ang balak nitong pagpaparehab para na rin tuluyan na ang pagbabago sa kanyang buhay.

Naaresto ang dating aktor sa isinagawang buy bust operation noong Hulyo 31 sa Tandang Sora Quezon City.

Nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang pitong gramo ng shabu.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang

Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang

Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel