Dating child actor na si CJ Ramos, nakapagpiyansa at nakalaya na

Dating child actor na si CJ Ramos, nakapagpiyansa at nakalaya na

- Nakalaya na ang dating child star na si CJ Ramos, Agosto 9 ng hapon

- Binalita ng half-brother nitong si Sherwin Ordoñez na nakapagpiyansa sila upang makalaya na ang kanyang kapatid

- Napatagal pa ang pagpiyansa dahil sa 'motion to reduce the bal' na hiniling ng kampo ni CJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalita ni Sherwin Ordoñez, ang half-brother ni CJ Ramos na nakalaya ag dating child actor.

Hulyo 31 nang maaresto ang dating aktor sa isinagawang buy bust operation sa tandang Sora Quezon City kung saan nahulilahn siya ng pitong gramo ng shabu.

Dating child actor na si CJ Ramos, nakapagpiyansa at nakalaya na

image: PEP

Nalaman ng KAMI na nakapagpiyansa ang kampo ni CJ ng halagang PHP 200, 000 dahilan para tuluyan na siyang lumaya noong Huwebes, Agosto 9.

Sinubukan pang humiling ng pamilya ni CJ na pababain ang halaga ng piyansa mula sa PHP 200,000 na gawing PHP100,000

Kasama ni Sherwin ang ina nila ni CJ na si Connie Ocampo nang makapanayam sila mismo ng PEP sa labas ng Caloocan city jail.

Dating child actor na si CJ Ramos, nakapagpiyansa at nakalaya na

Si Sherwin Ordoñez at ina nila ni CJ na si Connie Ocampo sa labas mismo ng Caloocan City jail. (image: PEP)

Ayon sa ina ni CJ, nagpapahinga na ang aktor sa kanilang tahanan at binabalak na rin nilang ipasok ito sa rehab. Willing din naman daw si CJ na pumasok ng rehab para na rin sa ikabubuti niya at tuluyan nang makapagbagong- buhay.

Gaya nang nauna nang naibalita ng KAMI, dumaan sa matinding pagsubok ang aktor mula nang tuluyan na siyang mawalan ng career sa showbiz.

Dagdag pa ni Connie, Humingi na rin daw ng dispensa sa kanya ang kanyang anak sa mga nangyari at sinabi nito na matinding dasal ang ginagawa niya upang maisaayos muli ang kanyang buhay.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel