Bagong Cavite artist agaw-pansin sa sobrang ganda ng makeup transformations bilang Disney princes and princesses

Bagong Cavite artist agaw-pansin sa sobrang ganda ng makeup transformations bilang Disney princes and princesses

- Agaw pansin ngayon ang isang artist galing sa Cavite dahil sa galing nito sa pag-transform

- Peg niya ang mga Disney princesses at princes

- Na-feature na ang artist sa GMA at marami na talaga ngayon ang nakakapansin sa galing niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 21-year-old Cavite artist ngayon ang agaw-pansin dahil sa ipinakitang galing sa makeup transformations.

Siya si JM Mirabel, portrait artist na gustong gamitin ang sariling mukha bilang art canvas.

Nalaman ng KAMI na ang gustong ipinta ni JM ay ang mga Disney princesses at princes.

Marami nang mga Disney characters ang nasunod ni JM. Kasama na dito sina Princess Jasmine at Aladdin, Princess Ariel at Prince Eric, Cinderella, Princess Aurora, Rapunzel at Flynn Rider.

"Before kasi, parang gumagawa ako ng mga portrait. Ngayon parang na-apply ko siya sa mukha, sa sarili ko, parang 'yong face ko naman ginawa kong canvas," sabi ni JM sa GMA.

Batay sa report, inuuna daw ni JM ang primer tapos ifi-fill niya yung eyebrows niya. Pagkatapos nito ay ilalagay niya ang foundation at concealer na tutulong sa kanya upang ang hitsura'y maging kagaya ng mga karakter na ginagaya niya.

Ginagamit raw ni JM ay mga lumang t-shirt at mga Christmas decors para makuha ang ninanais na costume.

"Hanap lang kayo ng t-shirt tapos dikitan niyo lang ng christmas decorations tulad nito, dikitan niyo lang ng glue stick, tapos gawin niyong sexy, lagyan niyo ng perdible," ani JM.

"Never akong gumastos pagdating sa costume so kailangan 'yong creativity mo dapat resourceful ka tsaka dapat tignan mo 'yong loob ng bahay niyo kung ano 'yong mga puwedeng galawin, pakielaman," sabi ni JM.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido

Mag-iingat! Ilang motorista, nabiktima ng mga nanlilimos na namamato ng asido
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel