Oh why, oh why?! Devon Seron umamin na mayroong showbiz boyfriend pero ayaw pangalanan

Oh why, oh why?! Devon Seron umamin na mayroong showbiz boyfriend pero ayaw pangalanan

- Ang dating housemate sa bahay ni Kuya sa PBB ay isang ganap na Kapuso na, ayon na din sa mga unang balita

- Pero ngayon, kasabay ng kanyang paglipat ay may inamin din ang aktres na si Devon Seron tungkol sa estado ng puso niya

- May boyfriend na daw siya at taga showbiz raw ito pero ayaw niya munang pangalanan ang kanyang Mr. Right

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa PEP, napanayam nila umano si Devon Seron sa presscon ng Bakwit Boys na ginanap kahapon, August 8, Miyerkules, sa Limbaga 77 Restaurant sa may Quezon City.

Tila kinulit nga ng press people ang batang aktres na dating Kapamilya at ngayon ay Kapuso na na si Devon Seron tungkol sa kanyang lovelife.

Nalaman ng KAMI na pagkatapos daw ng ilang taon na pagiging single niya ay natapuan na raw niya si Mr. Right.

Pero ayaw niyang pangalanan kung sino ito pero binunyag niya na taga showbiz raw ito.

Pag-amin niya:

"Okey, meron na po, showbiz… pero yung sa amin, hindi pang-showbiz"

Dagdag pa niya sa pagpipilit ng press people kung sino ang lalaki:

"Secret, huwag na lang po, basta taga-showbiz din po siya."

Gayunpaman, kinulit siya kung sino nga itong showbiz bf niya, at natawang sagot na lamang ng aktres:

"Hala! Huwag na po, tsaka na lang. Hahaha!"

Hindi pa daw sa ngayon sasabihin niya kung sino nga ang showbiz boyfriend niya basta daw, totoo ang kanila at hindi pang showbiz ang kanilang relasyon, ayon sa pag-amin niya sa nasabing panayam.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Level up si Ma'am! Viral dancing teacher, humataw sa ASAP stage

Level up si Ma'am! Viral dancing teacher, humataw sa ASAP stage

Level up si Ma'am! Viral dancing teacher, humataw sa ASAP stage
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel