Dahil sa kasikatan! Anne Curtis, inaming dumaan siya sa matinding depresyon

Dahil sa kasikatan! Anne Curtis, inaming dumaan siya sa matinding depresyon

-Inamin ni Anne Curtis na dumaan siya sa matinding depresyon at anxiety disorder

-Sinabi din ng aktres na isa sa mga dahilan ng kanyang depresyon at matinding pagkabalisa ay ang natatamasang atensyon mula sa media

-Ayon pa Kapamilya actress, hindi daw dapat na ikahiya ang ganitong karamdaman at hinihikayat nya ang mga taong may ganitong sa sitwasyon na humingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa press conference ng kanyang concert na “Anne-Kulit. Promise, last na to’!”, inamin ng aktres na si Anne Curtis, na dumaan siya sa matinding depresyon at matinding pagkabalisa. Hindi itinago ng Kapamilya actress ang napagdaanang ito. Kamakailan lamang ay umamin ito sa naging karanasan niya sa pagkakaroon ng ganitong sakit.

Ayon sa ABS-CBN News, sinabi din ni Anne na isa sa mga dahilan ng kanyang depresyon ay ang natatamasang atensyon mula sa mga tao lalong-lalo na galing sa media.

"I had my fair share of depression and anxiety, a lot has to do with, in fact, the press, and having the stress of press when I was going through something very, very tough!” sinabi ni Anne.

Ayon pa kay Anne, hindi dapat ikahiya ang ganitong karamdaman. Hinikayat nito ang mga taong dumadaan sa ganitong sitwasyon na huwag matakot o mahiyang humingi ng tulong sa pamilya, kaibigan o kahit pa sa mga espesyalista.

"I think it's really important to not keep it to yourself. You seek help. You seek help from your friends. Don't be ashamed. You seek help from your family, from people who love you. You can even seek professional help if you feel uncomfortable talking to family members and friends about it, but the most important thing is to seek help.” sabi pa ng aktres.

Bagamat hindi na idinetalye ni Anne ang kanyang pinagdaanang depresyon, ibinahagi naman niya na malaki ang naitulong ng mga taong nakapaligid sa kanya upang malagpasan ang sakit.

Sa iba pang report ng KAMI, ibinahagi dito ang video ni Anne Curtis noong bata pa habang kumakanta. Ibinahagi ito ni Anne sa kanyang IG post.

Isa si Anne ngayon sa mga tinitingala at hinahangaan sa buong bansa. Maliban sa pagiging aktibo sa paggawa ng pelikula at isa sa mga main host ng pangtahaling programang “It’s Showtime”, isa ring recording artist si Anne Curtis.

Sa kasalukuyan, bibida si Anne Curtis sa isang action movie, ang “Buybust” at inaming ang darating na concert ay totoong panghuli na upang makapag-concentrate sa pag-arte.

Ang kapatid naman ni Anne na si Jasmine Curtis ay dumaan din sa matinding depresyon.

POPULAR: Read more news about Anne Curtis!

How would Filipinos react to harassment? What if a girl is being harassed in front of you? In this experiment video, a guy will harass his girl friend in front of some Filipinos. Let's see how they'd react with this. Are our women safe on streets? -on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities who showed up during the lavish debut party of Frankie Pangilinan

Celebrities who showed up during the lavish debut party of Frankie Pangilinan

Celebrities who showed up during the lavish debut party of Frankie Pangilinan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel