Netizen, labis na nag-alala sa mag-iinang natutulog sa overpass kahit pa nababasa na sila ng ulan

Netizen, labis na nag-alala sa mag-iinang natutulog sa overpass kahit pa nababasa na sila ng ulan

- Viral ang mga larawan na binahagi ng netizen na nagpapakita ng nakakaawang sitwasyon ng mag-iina sa isang overpass

- Kalakasan daw ng ulan nang makita ni Micah Macabulos ang mag-iinang nagsusumiksik sa iisang payong

- Dahil estudyante pa lamang si Micah, tanging kumot at payong lang daw ang kanyang naitulong kaya naman binahagi niya ang mga larawan nang mas marami pa ang makatulong sa mag-iina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng facebook user na si Micah Macabulos nang makita ang nakakawang sitwasyon ng mag-iina sa over pass ng Baclaran.

Nalaman ng KAMI na kalakasan ng ulan nang makita ni Micah ang kalunos-lunos na kalagayan ng mag-iina kung saan nagsisiksikan sila sa iisang payong habang natutulog.

Ayon pa sa post ni Micah, halos walang damit ang mgabata at ang isa pa nga ay nagising dahil sa nababasa na talaga ito at di na sila kasya sa payong na siyang nagsisilbing silong nila sa malakas na ulan.

Nilinaw din ng nagpost na di niya ito binahagi para pagkakitaan. Estudyante pa lamang daw siya at ang tanging magagawa niya ay bigyan ang mag-iina ng kumot at payong na maari nilang magamit.

Binahagi ni Micah ang post upang makita ng karamihan at diretsong magpaabot ng tulong sa mag-iinang matatagpuan sa overpass na Baclaran.

Nagbigay din sina Micah ng kaunting damit at makakain para sa mag-iina. Nagpaalala rin siya na huwag agad husgahan ang magulang ng mga bata.

Samantala, bumuhos ang iba't ibang reaksyon ng ibang netizens. Di talaga maiiwasan na magbigay ang ilan sa kanila ng komentong taliwas sa opinyon ng iba.

Narito ang ilan sa kanilang nasabing saloobin:

"nakakaiyak na sitwasyon ng mga bata. bakit ganyan na napapabayaan ng magulang.sakit sa dibdib huh!"

"Nakakaawa. Yung pinaka bata pa halos ung nasa dulo at nauulanan. Nakakaiyak."

"neng its their choice alam mo ba ung iba na nagiistay dyan sa baclaran kahit may mga bahay sa province kasi dito pwede sila mamalimos lang d nila kelangan magbanat ng buto ung iba naman nirelocate ng mga bahay yan ibinenta nila katwiran walang pagkakakitaan dun ang may problema dyan ung mismong mga magulang ng mga bata sila hinahayaan nilang ganyan bihay nila well in fact pwede naman sila humingi asssistance sa mga brgy officials kung saan sila locate neng modus mga yan yang ganyang style"

" Dapat po kc kng sobrng wla na tau macilungan at wla rin taung kkayahan mgpaaral o mgpkain ng mga anak dhil sa wlng trabaho wagna po tau mg anak ng mrmi icipin po ntin ang kinabukasan ng ating mgging anak nkkaawa lng po cila kng d ntin maiibigay ung knilng pngangailngan lalo at sa pgkain mrmi pong paraan para d dumami ang anak."

" yan ung pag tinulungan m lalong dumadami tas gagawa uli ng bata wala n mclungan nkkgawa p ng bata hayts buhay nga nman ksalanan ng magulang damay tlaga ang bata"

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtune channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel